Drug dealer at dalawa pang kasama, huli sa buy bust

BAGUIO CITY – Isang drug peddler at ang kanyang dalawang kasamahan ang naaresto sa Cresencia Village Barangay noong Linggo, Marso 10.
Ang drug dealer na si Jay Abarra Espolong, 45, ay inaresto matapos pagbentahan ng isang sachet ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P10,000 sa operatiba na nagpanggap bilang buyer.
Ang mga kasama ni Espolong na sina Esmeralda Bacani alyas “Joan Bacani”, edad 36, at si Jerry Alvin Pucayen Lee, edad 34, ay kapwa inaresto.
Nakumpiska mula kay Espolong ang walong piraso ng heat-sealed sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, tatlong piraso ng plastic sachet na may mga bakas ng shabu, isang P500 bill, P19,000 na halaga ng boodle money at iba pang mga drug paraphernalia.
Natulungan ang Baguio City Police Office (BCPO) Station 2, BCPO Criminal Intelligence Unit (CIU), kasama ang Philippine Drug Enforcement Unit Cordillera (PDEA-CAR) upang mahuli
ang tatlong pusher.
Dati nang sinabi ni ProCor regional director Rolando Nana na pinapalawak na ng pulisya ang kanilang pinagkukunan ng impormasyon at lalo pang pinatitibay ang kanilang intelligence unit para matukoy ang iba pang mga pusher sa buong Cordillera.
 
Saissem Hortelano, UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon