DRUG DEN NILUSOB 4 HIGH VALUE TARGET, HULI SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Isa namang pinaghihinalaang drug den ang nabuwag ng pulisya na ikinadakip ng apat na high value target at pagkakakumpiska ng shabu noong Miyerkoles, Agosto 3 sa No.120 Purok 25 San Carlos Heights
Extn., Irisan, Baguio City.

Sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte, magkasanib puwersa ng mga tauhan ng Irisan Police Station, National
Bureau of Investigation at Philippine Drug Enforcement Agency-Baguio field office, ay hindi nakapalag ang mga
suspek sa sopresang pagsalakay, kasama ang mga representative ng barangay, Department of Justice at media.
Kinilala ni Col.Glenn Lonogan, city director ng Baguio City Police Office ang nadakip na sina Marivic Rodriguez , 56, ng Purok 25, San Carlos Heights Extn., Irisan, Baguio City; Cherryl Asim, 37,ng San Vicente, Baguio City;
Carlito Javier,43, ng Carlo Heights Extn., Irisan, Baguio City at Joel Sales, 36, ng San Carlos Heights Extn., Irisan,
Baguio City.

Nakuha sa loob ng bahay ang anim na piraso ng heat sealed transparent plastic sachet containing white crystalline substance suspected to be shabu. Na may timbang na 18 gramo at may Stardard Drug Price na P122,400.
Narekober din ng pulisya ang dalawang opened transparent plastic sachets containing residue; .dalawang
Improvised all weather tooter with residue of suspected shabu and assorted drug paraphernalia.

Ayon kay Lonogan, matagal ng sinusubaybayan ng pulisya ang mga suspek at lugar na kanilang ginagawang drug den, na base din sa impormasyon mula sa concerned citizen.

Zaldy Comanda/Artemio
Dumlao/ABN

Amianan Balita Ngayon