Drug personality, patay sa pamamaril sa Ilocos Sur

CAMP BGEN OSCAR M FLORENDO – Patay ang isang drug personality na pinagbabaril sa kahabaan ng Quirino Boulevard, Brgy. 9 Vigan City, Ilocos Sur bandang 1:15 hapon ng Oktubre 11, 2018.
Kinilala ni PSupt. Jugith J. Del Prado, chief of police ng Vigan City Police Station, ang mga biktimang sina Bon Bryan Carino Viray, 24, residente ng Bantay, Ilocos Sur at Geraldine Molina Jimenez, 20, residente ng Vigan, Ilocos Sur.
Sa imbestigasyon, sakay ng motorsiklo ang mga biktima patungong hilagang direksiyon ng Quirino Boulevard nang pinaputukan sila ng hindi pa nakikilalang mga suspek nang maraming beses gamit ang cal .45 pistol at agad na tumakas.
Itinakbo ang mga biktima sa Gabriela Silang General Hospital, Vigan City, Ilocos Sur para sa agarang lunas subalit idineklarang dead on arrival si Viray ng kaniyang attending physician.
Narekober sa crime scene ang isang deformed fired bullet, isang bullet jacket at anim na fired cartridge cases ng cal 45.
Habang isinasagawa ang follow-up investigation, kinilala ni PSSupt. Clint C. Bayacsan, provincial director ng Ilocos Sur Police Provincial Office, si Viray na nakalista bilang drug personality sa bayan ng Bantay, Ilocos Sur at may mga nakabinbin na kaso ng carnapping sa ilalim ng Criminal Case No. 7674-V at robbery sa ilalim ng Criminal Case no. 8453-V.
Inalerto ang mga katabing bayan at nagsagawa ng dragnet operation para sa posibleng pagkahuli sa mga suspek.
Iniutos ni PSSupt. Herminio S. Tadeo Jr., PRO1 officer-in-charge, ang pagsasagawa ng masinsinang imbestigasyon at palakasin ang mga police operations sa rehiyon upang maresolba agad ang nasabing kaso. Inutusan din niya ang Vigan City Police Station Chief of Police na kumuha ng mga CCTV footages malapit sa crime scene at i-maximize ang resources upang makita ang ibang ebidensiya na makakapagturo sa mga suspek.

Police Patrol

AMIANAN POLICE PATROL

Amianan Balita Ngayon