LUNGSOD NG BAGUIO – Kinumpirma ni Mayor Mauricio Domogan na nais ng gobyerno ng Japan na magtayo ng isang makabagong drug rehabilitation center sa lungsod at tinitingnan ang tatlong ektaryang lupa para sa pangangalaga ng tumataas na bilang ng drug surenderees na gustong bumalik sa normal na pamumuhay.
Nakipagkita si Domogan kay DOH Undersecretary Henry Tong-an at mga opisyal ng regional health department at ipinagbigay-alam sa kaniya ang plano ng gobyerno ng Japan na umpisahan ang konstruksiyon ng isang drug rehabilitation center na pangunahing tugon sa pangangailangan ng mga sumukong drug dependents sa lungsod at rehiyong Cordillera.
Bago ang lahat, ayon kay Domogan, ay kailangang bumisita muna ang mga kinatawan ng Japan at siyasatin ang maaaring gamiting lupa partikular ang 139 ektarya na nasa Sto. Tomas Apugan. Nangangailangan ng malaking halaga ang nasabing proyekto dahil sa mga road system na magiging daan sa lugar at ito ay tinatayang aabot sa P200 milyon base sa pinakahuling estimate ng City Engineering Office.
“We suggested to Undersecretary Tong-an if the city’s available land holdings will not qualify based on the standards of the Japan government, it would be best to recommend to the funding agency that the proposed drug rehabilitation center be located even outside the city where there can be suitable areas so that the center will not be transferred outside the region,” ani Domogan.
Sinabi ni Domogan na ang plano ng gobyerno ng Japan na pondohan ang konstruksiyon ng isang drug rehabilitation center sa lungsod ay isang magandang balita dahil malaking tulong ito upang tugunan ang problema ng gobyerno at pribadong sektor sa pangangailangan ng drug surenderees upang makarekober at magbago.
Ayon pa kay Domogan ay nakipagtulungan ang City Welfare and Development Office at ang pribadong sektor sa lungsod upang matugunan ang inisyal na rehabilitasyon ng lumalaking bilang ng drug surenderees sa lungsod subalit kailangan talaga ng isang local drug rehabilitation center.
Inamin ni Domogan na nahihirapan ang local government at drug surenderees na pumunta sa pinakamalapit na drug rehabilitation center sa Dagupan City, Pangasinan dahil sa pinansiyal at ibang isyu na sagabal sa kanilang rehabilitasyon.
Sinabi pa ni Domogan na sang-ayon ang lungsod na makipagtulungan sa mga karatig na bayan sa Benguet na makakapagbigay ng lupa kung ang lupa sa Sto. Tomas ay hindi makakapasa sa panukat ng gobyerno ng Japan. ABN
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024