ILOCOS REGION
Sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI) noong Huwebes (Hunyo 22) na inumpisahan na nilang siyasatin kung ang mga business establishment ay sumusunod sa price freeze sa mga pangunahing produkto na ipinatupad matapos maisailalim ang probinsiya sa isang “state of local health emergency” dahil sa tumataas na mga kaso ng rabies. Sinabi ni DTI provincial director Amelia Galvez noong Huwebes na isang monitoring team mula sa kanilang Consumer Protection Division ang umiikot na sa probinsiya upang paalalahanan ang mga may-ari ng mga supermarket at grocery store na siguruhin ang kahandaan ng suplay at katatagan ng mga presyo.
“Pursuant to Section 6 of Republic Act 7581 or the Price Act, prices in the area under a state of emergency shall be automatically frozen at their prevailing prices for 60 days unless sooner lifted,” ani Galvez sa isang panayam. Ang mga produkto na nasa ilalim ng hurisdiksiyon ng DTI ay ang canned sardines, processed milk, coffee refill, laundry bar, candles, bread (Pinoy tasty and Pinoy
pandesal), salt, bottled water at tubig na nasa mga lalagyan, at iba pang gawang-lokal na mga instant noodles. Maliban sa DTI, iba pang nagpapatupad na mga ahensiya ng Price Act ay
sinisiguro din ang katatagan ng mga presyo at kahandaan ng suplay para sa mga produktong nasa kanilang sakop.
Gaya ng Department of Ariculture, na nangangasiwa sa bigas, mais, panlutong mantika, sariwa, tuyo o daing, at iba pang produktong marina, sariwang itlog, sariwang karne ng baboy, baka at karne ng manok, sariwang gatas, sariwang gulay, halamang ugat, asukal, at sariwang prutas
habang pinamamahalaan ng Department of Health ang mga gamut na klasipikadong mahalaga.
Ayon sa Price Act, ang mga business establishment na napatunayang lumabag sa price freeze ay mahaharap sa parusang pagkabilanggo ng isa hanggang sampung taon, o multa na mula PhP5,000
hanggang PhP1 milyon o pareho, sa diskresiyon ng korte.
Ang price freeze sa probinsiya ay magtatapos sa Hulyo 31, 2023. Hinihikayat ang mga mamimili o consumer na ireport ang mga retailer, distributor, at manufacturer na nagbebenta ng mga pangunahing produkto na mas mataas sa kanilang prevailing prices sa One-DTI (1- 384) Hotline o sa email, [email protected]. Mula sa record ng Provincial Veterinary Office ipinapakita na natuklasan ang mga kaso ng rabies sa 53 barangay, karamihan sa mga bayan ng Batac at Paoay.
Noong 2022, ang probinsiya ay nag-lat ng isang kaso ng rabies, may limang namatay sa unang limang buwan ng 2023, na nag-udyok sa provincial board na ideklara ang isang emergency health
situation upang maagapan at mapigilan ang pagkalat nito sa iba pang mga komunidad.
(LA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)
September 23, 2023
September 23, 2023
September 23, 2023
September 23, 2023
September 23, 2023
September 23, 2023