Duterte, hindi nila tinatantanan!

Apr 29, 2017

Habang tumatagal sa Palasyo si Pres. Duterte lalong nagkakasala-salabat ang mga tangkang siya’y pabagsakin bilang pangulo. Kaliwa’t-kanan ang mga batikos at paninira. Ang pinakahuli ay ang isinampang kaso sa ICC (International Criminal Court) dahil daw sa paglabag sa karapatang pantao. Itinaon pang may ASEAN Summit dito sa bansa. Kaya sabi ng ilang analysts: hindi kaya gusto lang hiyain ang pangulo kung saan hindi lang Pilipinas ang host ng ASEAN kundi si Pres. Digong pa ang “chairman” ng naturang pagtitipon? Sabi pa nila kung may malasakit ang nagsampa ng kasong ito sa ICC dapat man lang sana ay pinatapos muna nila ang summit. Nakataya dito ang kahihiyan, hindi lang kay Duterte, kundi ng buong bansa. Ayon nga kay Sen. JV Ejercito, ang hakbang na ito ay pagpapakita ng pagsasabwatan ng ilan para wasakin ang kredibilidad ng pangulo. Malaki ang paniwala ng karamihan sa mga senador na hindi uusad at hindi magtatagumpay ang kasong naturan. Sabi nga ni Senate Majority Leader Vicente Sotto, hindi raw nakakabahala ang kaso at mahihirapan itong magtagumpay. Sa panig naman ni Sen. Panfilo Lacson, madidismaya lamang ang mga nasa likod ng pagsasampa ng kaso laban sa Pangulo doon sa ICC lalo pa’t kung ibinabatay lamang ito sa testimonya nina Edgar Matobato at dating SPO3 Arturo Lascanas. Kasi raw, “polluted at perjured witnesses” sila. Papaano mo raw paniniwalaan ang mga taong pabago-bago ang pahayag?”

******

Katatapos lang manguna bilang most influencial person sa buong mundo si Pres. Digong, inupakan na naman siya ng mapaghamong mga Abu Sayyaf. Mantakin mong pinugutan nila ng ulo ang dinukot nilang isang sundalo? Natural, umusok na naman ang butsi ni Digong. Kaya nag-utos na siyang patayin lahat ang natitira pang mga terorista sa Bohol. At nagbunga naman ang banta nito. Nakahuli sila ng malaking isda at talagang dambuhalang isda ire, pards. Koronel ng PNP ang nasakote. Maryusep. Babae pa pards. At asawa ng isang bomb expert na Abu Sayyaf member. Mariakusina. Sabi nga ni PNP Chief, sleeping with enemy si Koronel Maria Cristina Nobleza. So ibig sabihin kasabwat o kasama si Coronel sa mga operasyon ng ASG sa kidnapping for ransom. Kaya imposibleng hindi siya kahati sa mga ransom nilang nakukulimbat, ayon sa ilan, sus ginoo. Ang isang pulis, pards, ay nanumpa sa tungkulin bilang protector ng buhay at ari-arian ng sambayanan pero si Nobleza, protector daw ng mga teroristang kalaban ng gobyerno at salot ng bayan. Kaya pala di maubos-ubos ang mga ASG, sabi nila kasi may mga kasabwat na pulis? Aray, dapat busisihing maigi ang kasong ito. Mabigat na parusa dapat sa mga taong nagtatraydor sa bayan, di ba?

******

Habang matindi ang kampanya ni Pres. Duterte kontra droga, sumasabay naman ang mga kaso (raw) nito gaya ng human rights violation at extra judicial killings. At hindi lang yan, may bagong bomba, pards. May suhestiyon si Vice President Leni Robredo na i-decriminalize na lang ang kasong droga. Hanooo??? Maryunes! Parang gusto niyang gawing legal na ang droga sa Pilipinas? Nakupo, di lalong darami ang mga dupang, pushers at drug lords? Sabi ng ulat, gusto raw niyang tularan natin ang Portugal kung saan ang solusyong ginawa sa problema nila sa iligal na droga ay ginawa na lang legal, na-decriminalized. Dahil dito marami ang bumabanat kontra sa stand ni VP Leni kasama na ang VACC. Hayy naku, panginoon, nasa kamay niyo na ang solusyon sa aming mga problemang samutsari. Adios mi amor, ciao, mabalos!

RELATED POSTS

QUITE UNDERSTANDABLE

Senator Loren Legarda is a champion of several causes including that of preserving and protecting the environment and promoting livelihood...

SINGKWENTA

On the day of commemoration of Martial Law, I decided to be poetic and cryptic, posting on my social media an allusion to the sinister...

URONG SULUNG

TILA BANTULOT ang mamamayan na alisin ang facemask sa kanilang mga mukha kapag nasa outdoor setting. Nitong mga huling araw, habang...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest