Duterte, may death threat?

Mukha yatang panahon ngayon ng mga dambuhalang balita, di ba pards? Kamakailan lang, giyera ang pinag-uusapan kontra China.

May bago pa, nasa bansa pala natin kamakailan lang si Mayweather. E, ano ngayon? May paputok siyang balita mga kabayan: wala na daw siyang balak balikan pa ang boksing dahil retirado na siya.

Kahit pa raw malaking pera ang katumbas, hindi na raw siya interesadong makalaban muli si Sen. Manny Paquiao. O, di ba kayo nagulat? Lalo na sa mga opisyonado ng boksing.

May mga sabi-sabi noon na parang matutuloy na raw ang sagupaang Mayweather at Pacman sa hinaharap. Pinaplantsa na raw.

Kaya marami ang naniwala at umaasa. Pero na-toink ang lahat sa huling desisyon ni Mayweather na wala na siyang balak magboksing pa, period.

Papaano na yong nakahanda na ang kanilang pusta sa labanang yan? E, di ibili mo na lang ng balut. Kasi kung magwala ka, baka batuhin ka pa ng deeath threat.
******

Maraming nagulantang at nalaglagan ng kilay sa panibagong kontrobersiyang pumutok. May death threat daw si Pangulong Duterte.

What, si Apo Digong, may death threat? Hindi ba threat sa ice cream yan? Totoo raw, pards. So, ibig sabihin, may nagbabanta sa kanyang buhay? Ganern daw, eh.

Pano niyo nasabi? Eh, bakit may bullet proof glass sa harapan ni Pres. Duterte habang nagsasalita siya sa isang campaign rally sa Malabon City kamakailan? Maglalagay ka ba ng “bullet proof glass” sa harapan ng pangulo kung wala siyang death threat? Anong say
ng pangulo? “May gusto mang pumatay sa akin.

Pero palagay ko pa naman ang buhay ay swerte-swerte lang. Kung panahon ko na talaga, wala na akong magawa,” yan ang mismong pananalita ni Digong.

Aniya, wala daw siyang control sa ipinatutupad na security arrangements ng Presidential Security Group (PSG).

“Alam mo ha itong picture frame na ito ha iyon ang hindi ko na kontrolado. Sumama man ang loob ko, magalit ako, hindi ko mautusuan ang security setup ng PSG, Presidential Guards, kasi sila talaga ang masunod,” dagdag pa ng pangulo.
******
“Noong bago pa ako, I insisted na yung akin ang masunod kasi ang mga tao po ay hindi na nakakapaglapit sa akin. Eh, sanay na ako yung mayor tuloy-tuloy ako, ineembrace ko sila.

Lalo na kung maraming babae, talagang natatagalan ako,” paliwanag pa ni Pres. Duterte.

Ala-ala kasi ni Digong na noong kauupo pa lang niyang pangulo ay pinagbawalan na siya ng PSG, mag-ingat at huwag masyadong malapit sa crowd para na rin sa seguridad nito.

“Pagka-presidente ko, iba ang istilo at gusto nila distansiya at hindi makadikit,” dagdag niya.

“When you protect me and you believe in my advocacy you are protecting the nation, not me. My life is just like an ordinary Filipino. If it’s my time today, tonight, tomorrow so be it.”

Simple at praktikal ang kanyang pananaw sa buhay. Natural lang na mag-alala ang kanyang Presidential security dahil kung ano man ang mangyari sa kanya, malaki ang katuturan nito sa buong bansa.

Ang kanyang seguridad at proteksiyon ay proteksiyon na rin ng sambayanan.
******

Mga tanong: Sino naman ang nagbabanta sa kanyang buhay? Bakit naman siya nagbabanta? Sila kaya ay nasagasaan ng mga ipinatutupad na mga programa ni Digong?

Sila kaya ang mga nasupalpal sa illegal nilang gawi kaya gusto nilang gantihan ang pangulo? At kung magtatagumpay sila, ano ang kanilang gagawin? Para ba sa buong bansa ang kanilang
pagmamalasakit o para lamang sa kanilang sarili?

Marami pa ang mga katanungan pero mas marami ang maaring hakahaka at kasagutan. Batobato sa langit. Adios mi amor, ciao, mabalos.

 

Amianan Balita Ngayon