Duterte, nainsulto sa ASEAN Summit?

Nov 18, 2017

Tapos na ang 31st Association of Southeast Asian Nation Summit (ASEAN) na ginanap sa ating bansa. Nagwakas din ang mga kontrobersiya. What??? Maryusep, totoo na sandamukal ang mga kontrobersiya habang ginaganap ang ASEAN Summit. Isa-isahin natin ang mga ire, pards pero bato-bato sa langit muna hane?

******
Unang kontrobersiya ay noong bago dumating ang mga delegados o kinatawan ng mga bansang kasama sa naturang summit. Siyempre, gaya ng nakagawian, linis dito at doon ang ginawa. Itinago ang mga pangit na eksena gaya ng mga sidewalk vendors at kauring ayaw ipabuking sa mga bisita. Ewan kung saan dinala ang mga pobreng kababayan natin. Sabihin man nating iligal sila, pero bakit ngayon sila pinaalis? Dapat sana ay noon pa raw sila pinagbawalan sa lugar na malapit sa PICC. He he, agaammotayon, sabi nila. Pakitang gilas. Tapos ngayong tapos na ang summit, may mga kumento na di raw sila pinaalis o itinago. Di pa alam  kung pababalikin sila sa dating gawi o hindi na. Hayy buhay nga naman. Kawawa naman kaming mga pangit, laging itinatago para di makita ng mga magagandang pwe!

******
Ikalawang kontrobersiya, nang magsimula na ang summit, bumanat din ang mga militante. Kaliwa’t-kanang protesta ang ginawa. Nagkasakitan pa nga sa panig nila at otoridad. Bakit sino bang pinoprotesta?  Si US Pres. Donald Trump daw. Ayaw nila sa buhok niya,  este pagmumukha niya. Marami pa silang ayaw kaya umeksena ang grupong ito. Buti na lamang walang nalagas na buhay. Tapik ng ilan: dapat sana, sa tahimik na paraan na lamang nila ipinarating ang kanilang daing upang walang tensiyon. Sabat naman ng mga daldal: kung tahimik, pakikinggan  kaya sila? A, ewan. Only in the Philippines. Ngayong tapos na ang summit, tahimik na rin ang lahat. Kahit pa sunugin nila lahat ang pagmumukha ng mga kagalit nila gaya nina Trump at Digong, wala ng mangyayari. Relaks na lang mga igan. Hintayin natin kung ano ang ibubunga ng mga pinag-usapan sa summit na yan. Kung magkatotoo, good. Kung sablay, protesta ulit!

******
Ikatlong kontrobersiya, isang pinay, beauty queen pa mandin at artista ang umeksena ng sablay. Mantakin mong ASEAN Lane, pinasok. Nagtanggal pa ng barikada sa daan saka nagmamayabang pang binagtas ang bawal na lane na para lang sa mga komboy ng mga delegado. Ang resulta: iniimbestigahan na sa ngayon. Habang sinusulat ang espasyong ito, di pa alam kung masususpendi o makakansela na ang drivers’ license ng beauty queen na ire. Ang masaklap, meron pa itong dapat panagutan dahil security risk ang kanyang ginawa. Paano raw kung binanatan siya ng mga otoridad? Malaking gusot at kahihiyan ito. Magsorry man siya, meron na siyang paglabag sa ating batas. Sabi nga nila, dapat mapanagot sino man siya upang hindi panularan. Amen!

******
Isa pang kontrobersiya: nainsulto raw si Pres. Duterte sa ginawa ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau dahil sa komento nito (Trudeau) hinggil sa bilang ng mga namamatay sa war on drugs ng Duterte administration at EJK – extra judicial killings. Upak nga ni Digong: “I said I will not explain. It is a personal and official insult. That is why you hear me throwing down epithets, curses, pagmumura and everything because it angers me. When you are a foreigner, you do not know exactly what is happening in this country. You do not even investigate. You only show before the United Nations a record of how  persons died you claim to be extra judicial. You can investigate, find out the truth.” Yan ang sipa ni Digong kay Trudeau sa isang press conference. Sus maryusep! Magkaibigan na sina Trump ng US at Digong pero sa Canada naman ngayon ang may namumuong giyera ng dila! Abangan ang upakan!  Adios mi amor, ciao, mabalos!

RELATED POSTS

KALAMIDAD KAKAMBAL NG TRAHEDYA

Di pa nakakalayo ang bagyong Karding, pumasok na naman ang isa pang sungit ng panahon sa dulong Luzon. Buti na lamang at pa-exit na habang...

IT IS WAR

A Regional Trial Court in Manila has just rendered a decision that the Communist Party of the Philippines and the New Peoples Army...

THE MAKING OF FESTIVAL

The gongs will sound anew for Tam awan Village for the 12th TamAwan International Arts Festival (TIAF) on October 5 to 9, 2022. Heritage,...

BAGONG MUKHA NG UMAGA

WALA NG PAGAGAM ang buong kamunduhan na papalapit na ang bagong umagang matagal ng hinihintay, ang tuluyang pagtuldok sa pandemyang lampas...

LATEST NEWS

BAGUIO MARKET EMPLOYEES SUED IN “KWARTAIS” SCANDAL HIKES TO 14

BAGUIO CITY - Three more employees of the Baguio City government assigned at the public market as collectors of arrival fees or ‘kwartais’ were charged with malversation with falsification of public documents and falsification by public officers, jumping to 14 sued in...

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

Adding-attractions to One Town, One Product (OTOP), Mayor Clarita Sal-ongan and indigenous farmers proudly show locally grown ava (taro) product during the opening of the festival held on Sept 26 at the municipal grounds. Tuba officials show unity promoting the...

ZERO BACKLOG ITI KASKASO TI AGRARIO MATAGINAYON ITI DAR ILOCOS

SIUDAD ITI LAOAG – Matagtaginayon iti Department of Agrarian Reform (DAR) iti zero backlog nga estado iti panangipatungpal ti linteg kadagiti kaskaso iti agrario agingga iti maikatlo a kakapat iti daytoy a tawen. Ipatpatungpal ti ahensia iti zero backlog kadagiti...

GREYHOUND OPERATION

GREYHOUND OPERATION

Nagsagawa ng greyhound operation ang iba’t ibang ahensya at gamit ang sniffing dog para alamin kung itinatagong illegal na droga ang mga Persons Deprive of Liberty (PDL) sa loob ng Baguio City Jail Male Dorm. Walang nakitang droga o pharaphernalia at negatibo din sa...

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

Motibo: Land dispute BANGUED, Abra – Natukoy at nadakip na ng pulisya ang apat na suspek na pumatay sa isang guro sa high school na miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, and Queer (LGBTQ) community,sa isinagawang hot pursuit operation,matapos ang krimen...

LOCAL FARMERS CHALLENGED TO PRODUCE ORGANIC PRODUCTS

Tuba’s 7th Ava Festival TUBA, Benguet –Farmers in this town were encouraged to practice organic farming in order to boost and strengthened soil fertility and health benefits of agricultural products. Mayor Clarita Sal-ongan made the call during the Sept. 26 “Kapihan”...

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest