E-Nutribun tinitingnan para maging relief packs

LUNGSOD NG BAGUIO – Pinahusay ng Department of Science and Technology (DOST)-Food, Nutrition and Research Institute (FNRI) ang nutribun (e-nutribun) na gagawing foos packs at relirf items sa mga darating na araw na hindi lamang tutugunan ang malnutrisyon kundi tutulong din sa maliliit na panadero upang kumita kung saan ang gobyerno bilang siguradong merkado.
“The DepEd-CAR (Department of Education- Cordillera Administrative Region) is considering it in their feeding program and we are also asking the DSWD (Department of Social Welfare and Development) to include the (e-)nutribun,” ani Dr. Nancy Bantog, DOST regional director, noong Miyerkoles.
Sinabi ni Bantog na gumawa ang DOST-FNRI ng reformulated, more micronutrient-packed, soft texture nutribun na mas kaakitakit sa panlasa na kahit mga bata ay magugustuhang kainin ito.
Sinabi niya na mayroon ding bagong mga variant gaya ng kalabasa, carrot, at malapit na ang malunggay, na tutugon sa Vitamin A at iron deficiency ng mga Pilipino. Ang variant na patatas ay kasalukuyang pinagaaralan ng FNRI.
Ang e-nutribun ay ang tugon ng gobyerno sa malnutrsiyon lalo na sa mga bata sa mga naapektuhan ng kalamidad at mga nasa evacuation centers.
Sinabi ni Bantog na isinusulong din nila ang produkto sa mga local government unit lalo at may mga tumatangkilik na mga bakeshop bilang isang regular item na ibebenta. “This will give nutrients while also helping the bakery adopters earn, giving them sure market to their product,” aniya.
Nilalamang nutrisyon
Sinabi ni Bantog na ginamit ang nutribun mula 1970 hanggang 1990s para sa school feeding program ng gobyerno. Ang e-nutribun ay may mas maraming micronutrients gaya ng iron at Vitamin A. Ang texture nito ay mas malambot at may bigat na 160 hanggang 165 gramo bawat piraso.
Bawat isang piraso ng enutribun ay naglalaman ng 504 calories, 17.8 grams ng protina, 6.08 mg iron, at 244 microgram ng Vitamin A. Sinabi niya na ilang bakeshops, karamihan sa kanila ay mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) ay ginamit ang teknolohiya at nagpahayag ng kagustuhan na magbigay ng suplay na kailangan upang makamit ang layunin ng gobyerno na magbigay ng nutrisyon.
Sinabi ni Dr. Donna Aldana ng Danes Bakeshop na tinangkilik nila ang enutribun bilang bahagi ng malusog na foof items na kanilang establisiliyento.
“Ngayon kasi marami na ang nahihilig at bumibili ng mga healthy items kaya naisipan namin na isama ito sa products ng pwesto,” aniya.
Sinabi niya na nakakagawa sila ng nasa 300 piraso ng carrot at kalabasa variety ng nutribun kada araw. Sinabi ni FNRI Director Dr. Imelda Angela Agdeppa sa paglulunsad ng e-nutribun noong Setyembre na ang reformulated na tinapay ay nadebelop bilang tugon ng gobyerno sa pagkaguton at malnutrisyon sa gitna ng pandemya sa Covid-19.
Sinabi niya na ang pagkontra sa problema sa nutrisyon ay gagawing mas produktibo ang mga tao maliban sa pagsugpo sa pagkagutom at malnutrisyon.
Sinabi niya na nagpapatuloy sa pagdebelop ng masustansiyang mga produkto bilang bahagi ng programa ng DOST na “Science for the People” at isang banner program ng gobyerno na magbibigay ng mga oportunidad pang-ekonomiya para sa mga negosyante habang tinutugunan ang mga isyu ng nutrisyon.
(LA-PNA/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon