“EGAY ” NAGDULOT NG MALAKING PINSALA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY

Lumabas sa Incident Report ng Baguio City Disaster Risk Reduction and Management Office na
maraming pinsala ang idinulot ng Super Typhoon Egay sa lungsod noong Hulyo 26. Ayon sa report na ipinalabas noong Hulyo 27, may kabuuang 130 puno, na ang ilan ay century old trees ang itinumba ng malalakas na hangin, kabilang ang 26 na mga poste ng kuryente, na nagresulta ng malawakang brownout sa lungsod.

Naitala din na may 18 landslides na ikinamatay ng isang estudyante; 16 na kaso ng pagbaha ng mga kalsada, at 11 pa na pangyayari ng soil erosion. Kasama na din dito ang dalawang naitalang
baradong drainage dahil na din sa hindi pagtigil ng ulan. Nasa incident report din na mayroong limang stranded na mga sasakyan at mga tao kung sa may isang indibidwal din ang nangangailangan ng Medical assitance dahil sa bagyo.

Agad namang rumespunde ang mga ahensya ng gobyerno kagaya lamang ng mga CDRRMO, CEO, CBAO, CEPMO, GSO, CTO, CMO,BENECO, BWD, BDVMU, POSD, CSWDO, BCPO, BCFS, 503rd Philippine Army, 21st AFGR, PRC, DELTANS at mga kawani ng baranggay upang tugunan ang
mga nangangailangan ng tulong dulot ng Bagyong Egay. Tinatayang nasa 50 pamilya o 220 na indibwal ang nailikas sa kasagsagan ng bagyo, samantalang umabot sa 65 kabahayan ang bahagyang nasira habang tatlo naman ang totally damaged.

Patuloy pa rin ang pagtala ng CDRRMO ng mga kaso ng insidente sa iba’t ibang panig ng lungsod habang panay ang pagtulong ng mga ahensiya ng gobyerno sa mga lugar na nasalanta upang maibsan ang naging epekto ng bagyong Egay.

Lourdes Martin-UC Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon