Ekonomiya ng Rehiyon ng Ilocos lumago ng 4.6% noong 2021

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, LA UNION – Mula sa 7.7 porsiyento na pagbagsak noong 2020, nakabawi ang ekonomiya ng Regiyo ng Ilocos na may pagtaas na 4.6 porsiyento noong 2021, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa isang press conference noong Huwebes (Abril 28) na ginanap sa Ynad’s Hotel and Resort sa San Fernando City, La Union ay sinabi ni PSA Ilocos Regional Director Atty. Sheila de Guzman na 14 na industriya sa rehiyon ang nakapagtala ng pagtaas habang ang agrikultura, panggugubat (Forestry), at industriya ng pangingisda gayundin ang transportasyon at storage, ay bumaba ng 4.9 porsiyento at 1.8 porsiyento, ayon sa pagkakasunod.
Sinabi niya na 5.17 porsiyento ng ekonomiya sa rehiyon ay iniambag ng services sector, 30.7 porsiyento sa industriya, at 17.6 porsiyento sa agrikultura, forestry at fishing.
Ang Sektor ng industriya ay binubuo ng mining at quarrying, manufacturing, construction, electricity, gas, at water supply, habang sa services sector ay kasama ang transportation, storage, communication, trade at repair ng mga motor vehicles, motorcycles, personal, at household goods, financial intermediation, real estate, renting at business activity, public administration at defense, compulsory social security, at iba pa.
Sa kabuuang economic growth percentage, 2.9 porsiyento ay mula sa industriya, at 2.7 porsiyento mula sa services,
habang ang agriculture ay bumaba ang paglago sa isang porsiyento, ani de Guzman.
Idinagdag niya na ang pinakamalaking contributor sa paglago ng ekonomiya noong 2021 ay ang konstruksiyon at expenditure items o ang household consumption expenses.
“Since the restrictions eased starting last year, there was more economic activity,” aniya. Ang final consumption expenditure, gross capital formation, at net exports ng gobyerno sa ibang lugar sa mundo ay nakaambag din.
Sinabi sa parehong virtual forum ni National Economic Development Authority Assistant Regional Director Irenea Ubungen, na ang pagbaba sa economic growth sa agriculture, forestry, at fishing ay sanhi ng Bagyong Maring na sumalanta sa rehiyon noong Oktubre ng nakaraang taon.
Sinabi ni Ubungen na ang paglago sa rehiyon ngayong taon ay maganda dahil sa nagpapatuloy na paglakas ng konstruksiyon at aktibidad sa ekonomiya ngayong nasa ilalim ng Covid-19 Alert Level 1 ang Ilocos.
(HA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon