LUNGSOD NG DAGUPAN – Dahil sa epekto ng Tax reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law ay magtataas ng electric rate ang Dagupan Electric Corp. (Decorp) ng 3 sentimo kada kilowatt hour (kwh) sa buwang ito.
Sinabi ni Atty. Randy Castilan, legal officer at spokesman ng kompanya na ang pagtaas ay sanhi ng excise tax sa coal na ginagamit ng power plants at ipinapasa naman ng mga power generators sa distribution utilities gaya ng Decorp.
Tinataya niya na mahigit sa P50 ang maidaragdag sa kalimitang electric bills ng mga sambahayan na kumukonsumo ng 100 kada kwh.
Napag-alaman na binibili ng Decor pang 40 porsiyentong power nito mula sa coal-fired power plants at ang iba sa hydropower plants.
Nakatakda ring magtaas ng electric rates ang Central Pangasinan Electric Cooperative (Cenpelco) ngayong Pebrero dahil sa parehong kadahilanan. Ang Cenpelco ay umaasa rin sa coal-fired power plants.
Kapuwa sinabi ng Decorp at Cenpelco na isa pang rason sa pagtaas ay ang 6-sentimo kada kwh na pagtaas sa transmission charge na ipinatupad ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Ayon sa dalawang kompanya ay hindi mararamdaman ng mga consumer ang pagtaas kung magtitipid sila sa kuryente lalo na kung gagamit sila ng mga appliances na eco-friendly.
Samantala ay sinabi ni Castilan na ang Decorp ay kasalukuyang nagtatatag ng isang solar power plant sa Barangay Erfe, Santa Barbara, Pangasinan.
Sinabi niya na iprinoproseso ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang kinakailangang mga papeles para sa proyekto.
Makakapag-generate ang solar power plant ng 10 megawatts ng kuryente sa first phase at hanggang 29 megawatts sa second phase.
Sinabi ni Castilan na magusu-supply ang solar power plants ng ibang pangangailang kuryente ng Decorp. PNA / ABN
February 24, 2018
February 24, 2018
March 22, 2025
March 22, 2025
March 22, 2025
March 22, 2025
March 22, 2025