Eleksiyon at tokhang, hawig ba?

Mar 17, 2018

Siguro maraming kilay ang bumagsak sa tema natin ngayon. Kasi nga naman, papaano nagkahawig ang tokhang at eleksiyon? Sa unang silip, talagang wala silang pagkakahawig maski sa espeling at katuturan. Pero papaano sila nagkakahawig?  Sige, upakan natin, pards.

**********

Mula nang mauso ang eleksiyon, nagbabaan na yata sa mundo ang mga demonyo. Whaattt? Yes po! Dumami sa mundo ang mga demonyo dahil sa kaway ng eleksiyon. Di lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Grabe ang hagupit ng mga demonyo dahil sa pera, pagkagahaman sa pulitika, ganid at ambisyong manatili sa poder at magkamal ng salapi. O, di ba, dahil sa pulitika, marami ang nagsasamantalang magkapera sukdulang manira ng kapwa. Kayang ipagpalit ang kaluluwa sa demonyo, makamit lang ang ambisyon sa pulitika. Bumubuhos ang pera, legal at illegal kapalit ng boto o suporta ng mga botante.  Resulta: ang mga talunan, maghihinakit at gustong gumanti. Gagawa ng paraan upang sirain ang reputasyon ng nagwagi. Pag natalo, dinaya raw (ayon sa demonyo); pero pag nanalo, kapit-tuko na, ayaw pang bumitaw. Pero teka asan ang Tokhang?

**********

Noong naupo bilang pangulo si Pres. Duterte, nasilang din ang Tokhang. Hindi biglang sulpot kundi tiyak, naplano ire upang maisakatuparan ang mga pangako ni Digong noong eleksiyon. So, in short, anak ng eleksiyon si Tokhang, di kaya?  Dahil sa lakas ng birtud ni Tokhang, marami ang nangatakot.  Kasi nga nabulgar na marami palang lulong at dawit sa droga sa bansa.  Mantakin mong libu-libo ang swak sa droga-lista ni Digong at PDEA? Sila’y mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan mapa-gobyerno at pribado. Ang masaklap, pati mga taga-patupad ng batas, meron ding nasukol dahil sa droga. Katunayan, may mga heneral pa. At huwag ka, di pa tapos ang laban ni Tokhang. Nag-part two na. Tiyak mas marami pa ang totokhangin.Yun lang, kaiba na ang picture ni Tokhang ngayon. Buhay ka, huwag ka lang lumaban. Bibigyan ka ng pagkakataong magbago at iwasan na ang droga. Ang pangit na eksena sa Tokhang ay ang upak ng ilan sa ating lipunan, na yung mga malalaking isda raw ay ligtas kay Tokhang at mga mahihirap lang ang tinatamaan.  Teka, saan nagkahawig sina Eleksiyon at Tokhang?

**********

Nang magbotohan sa House hinggil sa Barangay at SK election (pang-May 14, 2018), nanalo ang pag-atras nito sa Oktubre, 2018 bagama’t wala pang say ang Senado. Marami  ang botong dapat tuloy na ang eleksiyon upang mapalitan ang mga salot at tamad na mga opisyal.  May pahapyaw pa nga si Digong noon na kapag sa eleksiyon ay nagamitan ng drug money, lalong lalala ang problema sa droga at baka marami pa raw ang mamamatay.  Sa pulitika naman, kung hindi masasawata o hindi makokontrol ang political dynasty, lalala diumano ang tensiyon sa lipunan. Kasi nga naman, iilan na lang ang mga angkang humahawak sa riyenda ng pamahalaan mula barangay pataas. Ibig sabihin, di na maririnig ang tunay na tinig ng bayan. Sunud-sunuran na lang sa gusto ng mga nakaupo. Sa Tokhang, kung totoo ang daplis na hindi patas at laging mga mahihirap ang natatamaan, hindi nga malulutas ang problema sa illegal na droga. Sa eleksiyon, di dapat magkamali sa pagpili. Sa Tokhang, patas lang walang pinipili. O, kuha na ninyo ang dahilan kung bakit nasabi naming hawig sina Eleksiyon at Tokhang?  Wala ng espasyo mga pards. Hanggang sa muli at Happy graduation sa Phil. Military Academy. Mabuhay ang mga sundalo.  Adios mi amor, ciao, mabalos!

RELATED POSTS

MGA EKSENA BAGO MAG-PASKO

Bakit kaya sa tuwing magpaPasko…laging sumusulpot ang mga luma at bagong mga eksena? May 27 pang araw bago mag- Pasko pero daming GANAPS....

CONTAIN AND ISOLATE

There seems to be no end to the discovery by authorities of various unusual and perhaps illegal activities going on within the New Bilibid...

THE HARVEST CREATIVE COMMUNITY HUB

The Bayo Foundation together with Baguio City proudly presents the HARVEST CommUNITY Hub, a physical space in Baguio’s iconic Botanical...

PAGHAHANDA SA KAPASKUHAN

NITONG BUWAN, naging pasilip ang mga kasayahang inilunsad ng sektor ng turismo, upang mabigyan ng tamang paghahanda ang darating na...

LATEST NEWS

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest