ELEKSIYON SA DISYEMBRE… MALINAW O MALABO?

Sep 24, 2022

Ito ang mabigat na tanong: talaga bang malinaw o Malabo ang sinasabing barangay at SK election sa Dec.
2022? Marami ang nagsasabing malinaw na…pero marami rin ang nagsasabing malabo pa. Bakit Kamakailan, ayon sa ratsada ng Lower House….sa kanilang ikatlo at pinal na deliberasyon … kanilang
napagkasunduan na ia-atras ang Brngy/SK elections sa Dec. 2023.

Linawin natin na ang stand na ito ay sa mga mambabatas natin sa mababang kapulungan. Ano naman kaya ang pulso ng Senado o mataas na pulong? Kung sasang-ayon sila sa ratsada ng House…ano naman kaya ang pinal na sundot ng ating Pangulong Bongbong? Kaya sabi ng marami….sa panahong ito,
mahirap pa ang lumundag agad sa konklusyon. Hirit nga nila…eh, yong last minute sa basketball ay marami pang magaganap na milagro…sa pulitika pa kaya?

Pero teka lang mga pards…bago natin balikan ang isyu ng eleksiyon, marami sa mga Filipino community sa US ang nasiyahan sa pagdalaw sa kanila ni Pres. Bongbong Jr. Ang maganda…inamuki ng pangulo ang mga magagaling nating mga scientists/technologists na bumisita naman sa ating bansa at tumulong sa ating pag-usad sa larangang ng negosyo. Malamang kaysa hindi, marami sa kanila ang tumango dahil nandito pa rin ang kanilang mga kaanak na may mga negosyo rin sa kasalukuyan.

Kung sa mensahe ng pangulo sa kanyang pagharap sa UN General Assembly…kauna-unahan sa South East Asia….kanya ring inilatag ang kanyang concern sa pagkakaisa at tulungan ng mga bansa. Ang mabigat dito ay sinabi ng pangulo na ang Pilipinas ay kaibigan ng mga bansa sa mundo. Masarap at matamis namnamin ang katuturan ng mensahe ng Pangulong Bongbong lalo na sa pagkakaisa at pagtutulungan. Ang tanong: kung kaibigan ng Pilipinas ang lahat ng bansa…tayo kaya ay kaibigan din
nila? Di kaya may mga bansang sinasamantala din tayo? Ginagawa tayong lungga ng kanilang mga pasaway na kababayan?

Isang maliwanag na ehemplo ang nangyayari sa POGO …itong Offshore gaming na nasa ating bansa. Pinapatakbo ito ng mga dayuhan. Pati mga empleado nila ay galing din sa kanilang bansa. At natuklasan kamakailan na illegal at kulang sila ng dokumento upang dito magtrabaho at manirahan. Matagal na itong ginagawa, di ba? Hindi ba maliwanag na tayo’y pagsasamantala ng mga dayuhang ito? Meron pang mga ulat na may mga dayuhang nahuhuli at kinakasuhan sa ibat-ibang krimen sa bansa.

Di ba pagsasamantala sa ating kabaitan ang kanilang ginagawa? Tayo ang tagilid. Dahil ang ating mga kababayan ay dumadaan sa proseso bago makapagtrabaho sa ibang bansa? Totoo na maliit lang ang
Pilipinas…pero nakakapuwing ang maliit, di ba? Balikan natin ang Barangay/SK election. Marami ang nagsasabi na dapat matuloy na sa Dec. 2022 ang halalan para mapalitan ang mga bulok at walang silbing mga opisyal ng barangay.

Kung mananatili pa sila, lalong magkakaroon ng dagdag na pasanin ang ating mga kababayan. Dapat sila palitan at kung may sala, parusahan. Sabi naman ng iba…masyadong magastos kung tuloy ang election
kasi lalabas bale na dalawang eleksiyon ang naganap sa loob ng isang taon. Dapat daw ay sa Dec. 2023 na para makapaghanda nang husto. Sabagay…ngayon pa lang, marami na siguro ang mga namumuhunan upang magkapera sa eleksiyon.

Kung papano, sila lang ang nakakaalam. Bastat sa ganang amin…hindi makakalusot ang ano mang anomalya sa mga eleksiyon dahil mulat na ang bayan. Batid na ni Juan dela Cruz ang mga kalakaran
sa pulitika. Dahil sa kinang ng pera, nawawala ang tunay na diwa ng serbisyo publiko. Adios mi amor,
ciao, mabalos.

RELATED POSTS

MGA EKSENA BAGO MAG-PASKO

Bakit kaya sa tuwing magpaPasko…laging sumusulpot ang mga luma at bagong mga eksena? May 27 pang araw bago mag- Pasko pero daming GANAPS....

CONTAIN AND ISOLATE

There seems to be no end to the discovery by authorities of various unusual and perhaps illegal activities going on within the New Bilibid...

THE HARVEST CREATIVE COMMUNITY HUB

The Bayo Foundation together with Baguio City proudly presents the HARVEST CommUNITY Hub, a physical space in Baguio’s iconic Botanical...

PAGHAHANDA SA KAPASKUHAN

NITONG BUWAN, naging pasilip ang mga kasayahang inilunsad ng sektor ng turismo, upang mabigyan ng tamang paghahanda ang darating na...

LATEST NEWS

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest