End Impunity Justice Now

Hinandugan ng pag-awit, mga tula at dasal ng mga mamamahayag na pinangunahan ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) at ng Baguio Correspondent and Broadcasters Club ( BCBC) para sa pag-gunita ng ika-10 taon ng “Ampatuan Massacre” sa walang awang pag paslang sa 32 journalists na hanggang ngayon ay nananaghoy pa rin ang mga naulila dahil sa makupad at di makatuwiran na hustisya, patuloy na nangangapa sa dilim. (Inset Picture) Ayon kay Kimberlie Olmaya Ngabit Quitasol, Philippine Daily Inquirer journalist, “Wala pa rin malinaw na kasagutan ang hukuman dito, bakit nabibigyan pa rin ng treatment matapos dumalo sa kasal ng anak ni Zaldy Ampatuan na isang suspek noong nakaraang taon, sadyang ipinapakita lamang dito na makapangyarihan ang angkan ng mga Ampatuan, magpapatuloy kami nananawagan sa nakakataas na hukom na wakasan na ang pagliligtas sa parusa ng mga suspek na Ampatuan, katarungan ay ibigay na sa mga kaawa-awang biktima,” Ginanap sa Malcolm Square, Baguio City noong Nobyembre 21, 2019.
 
Mario Oclaman / ABN
 

Amianan Balita Ngayon