T UBA, Benguet
Nagsagawa ng Enhanced Community Immersion Program (ECIP) ang Public Safety Senior Leadership Course (PSSLC) Batch 2023-01, class Alpha at Bravo, batay sa kanilang curriculum sa
Cordillera Administrative Region Training Center (CARTC). Pinangunahan ni Lt.Col. Avelino Garrido Jr., aacting chief ng CARTC sa pagsimula ng opening ceremony sa San Pascual Elementary School, Tuba, Benguet, noong Agosto 7.
Ayon kay Maj. Richard Carion, chief ng Administrative Section ng CARTC, layunin ng kanilang programa ay para patatagin yong mga dati nilang ginagawang serbisyo at upang patnubayin ang kanilang pakikipag-ugnayan sa komunidad. Aniya, hindi lang isang araw nila ginawa ang community immersion program kundi apat na araw. Nagbahagi sila ng services at manpower,na isa sa pangunahing pinagtuunan nila ng pansin ay ang paggawa ng CR ng mga kababaihan na para
mapunan ang kakulangan doon sa magna carta for women.
Nagbigay din sila ng tulong sa pamamagitan ng lectures,gaya ng Violence against Women and their
Children o RA 9262 sa mga mamamayan. Nag handog din sila ng mga school supplies para sa mga
estudyante, at paglilinis ng mga surroundings. Nagbigay din sila ng tulong sa isang 9 years old
patient na bata na may leukemia mula mismo sa kanilang bulsa Sa panayam, sinabi na inaidentify nila ang kanilang tinutulungan barangay na malayo sa centro o sa syudad dahil gusto nilang ipadama sa mga less fortunate na lugar na ang police ay laging nandiyan para sa kanila.
Lourdes Martin/UC-Intern/ABN
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024