Naimbag nga aldaw ka Amianan tatta ak manen nga nakalagip nga agsurat ti kolum ko ta kayat ko met nga mangipalladaw ti kapanunutan tayo maipangep kadagiti mapaspasamak iti aglawlaw tayo . Haan ko maikari nga kada Domingo ket rumwar daytoy kolum ko ta madama paylang ti medication ko, ngem sapay koma ta iti bendisyon ti Nailangitan nga Ama ket agtultuloy ti panagrekober ti bagik. Alla ngarod ket irugikon daytoy nai share nga impormasyon kadatayo.
Kung mayroon mang dapat na ipagpasalamat ang mga Pilipino lalo na ang mga ilang mga sektor sa Lipunan na hindi
gaanong naririnig o naipaparating ang kanilang mga boses at hinaing sa pandayan ng mga batas, ito ay ang
pagkakaroon ng sistemang Partylist. Sa sistemang Partylist, may mga piling na partido na magsisilbing behikulo upang ang mga batas na malilikha ay mas lalong tiyak na aayon sa tunay na interes at kagalingan ng sektor na kinakatawan.
Mula nang malikha at gumulong ang sistemang Partylist, maraming grupong nabuo at ang bawat isa’y
nagsasabing sila’y kumakatawan sa mga sektor na hindi napapakinggan o di kaya’y napapabayaan ng gobyerno. May mga partylist na makikitang nagtataguyod ng kagalingan ng kanilang sektor na kinakatawan. Marami sa kanila ang nakakuha ng hanggang tatlong puwesto sa Kongreso at hindi naman matatawaran ang mga pinanday nilang
mga batas na talaga namang maraming mga tao lalo na ang mga mahihirap ang nagbenipisyo.
Ngunit marami ding mga kinatawan ng mga Partylist ang umupo lang sa kanilang mga puwesto at ni kailanma’y hindi napakinggan ang mga boses. Sila ang komite ng katahimikan o “Committee on Silence”. May mga umusbong na mga bagong Partylist gaya ng Solid North na batay sa kanyang pangalan ay nailuwal mula sa Norte. Hndi lang sa Ilocos Norte at Ilocos Sur kundi ang Rehiyon Kordilyera, buong Cagayan Valley, Pangasinan, at La Union.
Di pa man naihahalal, ang Solid North ay nagpakita na ng pagmamalasakit sa mga kababayan nito sa buong Norte o Amianan lalo na sa kasagsagan at pagkatapos ng pananalasa ng tatlong nagdaang malalakas at mapaminsalang bagyo. Walang pag-aatubiling nagpadala kaagad ng tulong sa mga kakabayang nasalanta lalo na sa Cagayan Valley
region hanggang sa lalawigan ng Batanes ang Solid North. Di rin matatawaran na kahit baguhan ang Solid North, matunog ito sa mga survey na nakakasigurong makakauha ng kahit isang puwesto sa Kongreso.
Ngunit, ano itong isang Partylist na ewan kung bago o ito yung tinatawag sa wikang Ingles na “recycled” na ipinapangalandakang siya daw ay boses ng mga katutubo na marami sa Norte? Na ito daw ang magbibigay boses sa mga katutubo upang ipaglaban ang kanilang mga karapatan lalo na sa kanilang mga ansestral na lupain.
Magandang pakinggan pero sino ba ang kanilang mga kinatawan kung sakali mang sila ay makapuwesto? Yung isa ay tunay namang dugong katutubo, ngunit idineklarang Persona non Grata ng isang komunidad ng mga katutubo na
Apayao.
May mga katutubo rin sa mga ibang lugar sa Norte na hindi nagustuhan ang kanyang ginawa noong siya ang namuno sa isang ahensiya ng pamahalaan na dapat sana’y magsilbi para sa mga katutubo. Ang isa pa sa kanilang
nominado ay isang dating doktor ng medisina na nakilala dahil sa kanyang kagaspangan sa panahong naluklok ng
dating Presidenteng palamura. Ang babaeng ito ang isa sa mga taong nagbansag sa mga katutubong ipinaglalaban lang kanilang mga karapatan sa kanilang mga ansestral na lupain na mga kasapi daw ng rebeldeng grupo at sila daw ay mga terorista.
Ang pangatlong nominado ay isang nag-aastang dati daw na may mataas na katunkulan bilang rebeldeng komunista. Ngunit yung ipinapangalandakan niyang grupo na kanyang pinaggalingan ay tahasang sinabing hindi kailanman
naging kasapi o kasama nila. At katulad din ng ikalawang nominado, wala naman siyang dugong katutubo at hindi
naman siya nakipamuhay sa mga katutubo. Sa Norte, pag nakakaranas ng masasamang pangyayari, nagsasagawa sila ng ritwal, panata para maalis o tumigil ang mga kamalasan o masamaang kaganapan . Sa sa salitang Iloko ay , “agaramid ka ti wagas tapno “Epanaw ti Malas wenno Agidatun ka tapno mapukaw ti dakes nga ispiritu”..
December 8, 2024
January 12, 2025
December 14, 2024
December 14, 2024
December 8, 2024
November 23, 2024
November 23, 2024