Eskwela Blues na!

Itong darating na Hunyo 5, 2017 ang simula ng pampublikong pagbubukas ng mga eskwelahan sa buong bansa. Ibig sabihin panahon na naman ng traffic sa ilang lugar mga kadungngo-dungngo. Ayon sa ating pakikipanayam kay Baguio City Police-Traffic Management Unit Chief Armando Gapuz na nakahanda na diumano ang kanyang opisina sa pagbabantay ng lahat ng terminal ng bus, van, at jeepney kasama pa ang mga parking area, loading and unloading areas sa siyudad. Inaasahan naman na ang police visibility sa lahat ng mga eskwelahan kasama ang mga barangay officials na malapit sa mga schools. Ito ay ginagawa hindi lamang para masigurado ang maayos na daloy ng traffic kundi para maiwasan ang mga krimen tulad ng pagnanakaw. Ginagawa rin ang pagbabantay ng mga pulis sa lahat ng eskwelahan upang maiwasan ang mga gang recruitment at pangbu-bully sa mga estudyante.

Dagdag din ni Gapuz na hindi maaapektuhan ang daloy ng traffic sa pasukan sa bagong patupad na truck ban dahil mula 6am to 9am at 4pm to 9pm naman ipinagbabawal ang pagpasok ng mga heavy truckload sa siyudad.

Eskwela blues na talaga mga Kadungngo-dungngo dahil panahon na naman ng tipiran dahil gastos sa pambaon, gamit pang-eskwela, pang-enroll at iba pa… lagas ang savings sa banko, bulsa at pitaka pero hayaan mo na at bilang magulang o nagpapaaral ay ganyan po talaga, responsibilidad nga di ba? Ang payo lang ng inyong Tita Ara, di bale nang mahal basta alam mong matibay at magtatagal. Eh kung di naman talaga kaya maaari din naman ang ukay-ukay basta alam mong tumingin ng murang branded para alam mo pa ring dekalidad. Speaking of kalidad, panahon na ring magpacheck-up ng inyong mga mata sa Ortega Garcia Eye Care Clinic. Meron silang free computerized eye examination, free eye consultation, 25% to 50% off for walk in. They have the following: eye glasses, sunglasses, contact lenses like anti-UV lenses, & light reactive lenses located at number 19, 2nd Basement, Palangdao Bldg., Lower General Luna Road, Baguio City. Look for Dr. Rose O. Garcia. Open from Monday to Saturday, 10am to 7pm.

Sa awiting handog naman namin sa inyo Kadungngo-dungngo ang Journey ni Lea Salonga “I am but a traveller in most every way, ask me what you want to know what a journey it has been” meaning ang lahat ng tao habang nabubuhay marami pang pagdadaanan kaya enjoy the ride Kadungngo-dungngo.

Sa Bible (KJV) naman mga Kadungngo-dungngo, 1Corinthians 13:11 “When I was a child, I spake as a child, I understood like a child, I thought as a child: but when I became a man, I put away childish things.” So meaning as we grow old, we understand more and we mature on reasoning and decision in our lives depending on our learning and experience in life. But of course Kadungngo-dungngo it is always good to have a guidance from God, parents, and love ones that you trust. Kumbaga second opinion on everything that we do because as we always say “Ti Panagtinnunos nga agtrabaho, mangiturong iti Panagprogreso!”

Amianan Balita Ngayon