Esthetic Dentistry training, isasagawa sa Baguio

LUNGSOD NG BAGUIO – Magsasagawa ang Philippine Academy of Esthetic Dentistry (PAED) ng enhancement program sa lungsod na magbibigay ng pagsasanay sa larangan ng esthetic dentistry.
Sa pamamagitan ng PAED Esthetic 101 ay makakakuha ng napapanahong kakayahang klinikal at pang-laboratoryo mula sa PAED lecturers, facilitators at resource speakers na magsasagawa ng detalyadong dental procedures na magagamit ng mga kalahok sa kanilang propesyon.
Gaganapin ang naturang programa sa University of Baguio Laboratory sa Pebrero 12-15 at Marso 12-15, 2017.
Ang nais pumunta ay magbabayad ng course fee na P50,000; reservation fee na P5,000; at kailangan ng cash payment na P47,000. Kalakip sa babayaran ang mga hand-outs, workshop materials, course certificate sa pagtatapos ng workshop at clinical case presentation, at pagkain (breakfast, lunch at panghapon na snack). Limitado lamang ito sa 30 kalahok.
Papangunahan ito nina PAED President Dr. Virgilio M. Vasquez, Assistant Course Coordinator Dr. Helen Grace Yaneza, at Course Director Dr. Victor Torres mula sa Mandaluyong City.
Ang mga kalahok ay dadaan sa matinding pagsasanay kasama na ang mga lectures, discussion, evaluations, hands-on workshops at demonstrations.
Mabibigyan naman ng pagkakataong magpakitang gilas ang bawat indibidwal sa pamamagitan ng pagsasagawa ng key procedure na susubaybayan at susuriing maigi ng tagapagsanay na mas hahasa pa sa mga dentist upang maging bihasa sa larangan ng Esthetic Dentistry.
Para sa karagdagang detalye, makipag-ugnayan kay Dr. Demy G. Daet, dean ng School of Dentistry ng University of Baguio, sa 0915-518-7645 o mag-email sa [email protected] at kay Dr. Alicia Rodriguez, PAED course coordinator, sa 0917-890-5407 o  mag-email sa  [email protected]. Ma. Carmina Lipio, UB Intern
 

Latest News

Amianan Balita Ngayon