Estudyante huli sa ADDDA

Isang estudyante ang hinuli ng mga pinagsanib na operatiba ng LTO sa pamumuno ni  Col. Rolando V. Abelardo (Ret), PCI Jeoffer Banglayan ng deputized PNP at PSI Julius Basinga, hepe ng Police Station 3 sa Pacdal Circle, Baguio City.
Kinilala ang estudyante na si John Paul Pitag Fernando, 21, walang-asawa, estudyante at residente ng Gibraltar, Baguio City na hinuli sa paglabag ng RA 10586 o ang Anti-Drunk and Drug Driving Act at pagmamaneho ng walang protective helmet.
Sa imbestigasyon ay nagsasagawa ng checkpoint ang mga nasabing personnel kaalinsabay ng deputization sa ilalim ng RA 10586 noong Setyembre 8 ay pinara nina PO2 Gerardo Raciles at LTO Agent Cornelio Quisado Jr. ang suspek na walang suot na helmet habang minamaneho ang isang multi-colored Honda motorcycle na may plakang AU 43553. Napansin ng mga humuling awtoridad na nakainom ang estudyante kaya nagsagawa ng kaukulang test na itinakda ng batas, dito ay lumagpak ang suspek sa nasabing test.

Amianan Balita Ngayon