Estudyanteng Yemeni, binugbog sa Baguio

Binugbog ang isang Yemeni first year college student sa lungsod ng Baguio ng apat na lalaki bago maghatingggabi ng Hunyo 12.
Ayon sa pahayag sa otoridad ng biktimang si Abdulaziz Mohammed Alsagheer, 18, single, college freshman ng University of the Cordillera at pansamantalang naninirahan sa Ledesma Street, Aurora Hill, lungsod na ito, na habang naglalakad pauwi ang biktima kasama ang ilan sa kaniyang mga kaibigan ay nakasalubong nila ang apat na kalalakihan at nagsimulang awayin ang biktima at kaniyang mga kasama sa pagsasalita ng hindi niya naiintindihang mga salita.
Tinulak ng mga suspek ang biktima at pinagsusuntok sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Isa sa mga suspek ay nagbato ng bote na tumama sa noo ng biktima kaya nagtamo ito ng laceration.
Gayunpaman, nasukol ng mga otoridad ang mga suspek na sina Emmerson Jebs Barbacena, 25, ng 133 South Central, Aurora Hill; Jimmy Vlaveria Guinto, 23, ng 60 South Central, Aurora Hill; John Wong Galvan, 18, ng 54 South Central Aurora Hill; at Rommel Palangdeo, 18, ng Brookspoint, lahat ay sa Baguio City.
Ayon sa mga otoridad, nagdesisyon ang biktimang maghain ng reklamo laban sa apat na suspek upang turuan ng matinding leksyon. A.ALEGRE

Police Patrol

AMIANAN POLICE PATROL

Amianan Balita Ngayon