DANGLAS, ABRA – Pito sa mga sumukong dating drug addicts ang kasalukuyang nagtatrabahao na sa local government unit sa Danglas, Abra.
Ayon kay Danglas Mayor Florence Denise Bernos-Bragas, ang pitong kawani ay kasalukuyang administrative aides ng munisipyo, subalit ang mga ito ay nasa ilalim pa rin ng direktang pangangasiwa ng lokal na pulis upang umalalay sa kanilang lubusang pagbabagong-buhay.
Ang Danglas marahil ang unang munisipyo na nagpatibay ng isang Community Rehabilitation Program para sa mga surrenderees sa pagsuporta sa kampanya kontra droga ni President Rodrigo Duterte.
Ayon sa ulat ng mayor, ang mga surrenderees na dumaan sa inisyal at follow-up drug tests noong nakaraang taon ay patuloy pa ring sumasailalim sa random drug testing upang makasiguro na sila ay hindi na gumagamit ng iligal na droga at iab pang ipinagbabawal na sangkap.
Ibinahagi naman ng surrenderees na ang kanilang pang-espiritwal na paglalakbay ang nagpapanatili ng kanilang determinasyon tungo sa personal at sosyal na pagbabago para magawa nilang makipagsabayan sa lipunan.
Sinabi pa ni Bragas na hindi sila bumitaw sa kanilang mamamayan na lulong sa droga, sa halip ay hinihimok silang magpatuloy at magbagong buhay.
Si Bragas ay isang medical doctor at legal assistant ng kaniyang mister na si Russel A. Bragas, na nagsilbing malaking bentaha sa paghahatid ng isang holistic scheme para sa pagbabagong buhay ng mga drug surrenderees ng Danglas.
Ang Abra ang kauna-unahang probinsiya sa Cordillera na idineklarang drug-free. Ace Alegre / ABN
March 4, 2017
March 4, 2017
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024