Ex-Pres. Aquino, kinasuhan sa Mamasapano! Owss!

Nov 11, 2017

Maryunes!!! Sandamukal na kilay ang bumagsak nang malamang nagsampa raw ng kaso ang Ombudsman kontra Ex-Pres. Noynoy Aquino. Isa na ang grupong VACC sa mga nagmaktol. Pero siyento porsiyentong nanggagalaiti sa galit at inis ang mga naulila ng SAF 44. Sa kabilang panig naman, tiyak na masaya sila dahil nagawa ng Ombudsman na sampahan ng kaso ang dating pangulo dahil sa Mamasapano. At least daw, nakasuhan. He he, teka muna raw mga pards. Himayin muna natin daw kung ano-ano bang mga kaso ang isinampa kontra kay Pinoy? Graft at usurpation of official function!  Sus maryusep a tuglep!  Yon lang??? Yap! Yun lang! Ooopps huwag ka munang humirit. Yun lang talaga. Wala ng iba. Anak ng bakang di pa tuli! Ganern??? Yap! Ganern nga! Kulit! Daplis: Owsss!!!

******

Sige, bumanat ka na, pards. Ibunghalit mo na ang nangangalit mong reaksiyon sa mga kaso ni Pinoy. Unahin natin ang graft  case na may piyansang trenta mil. Ikalawang kaso ang usurpation (the tyrannical assumption of the government by force contrary to and in violation of the constitution of the country, The Free Dictionary by Farlex) na may piyansang sampung libo. Pero sandali lang pards, kalma muna bago ka ma-highblood. Basa ko ang utak mo, pards. Ganyan din ang upak ng mga kinatawan ng VACC. Papaano ka nagkaroon ng kasong usurpation eh, siya ang presidente? Upak nga ni Pres. Duterte, kung ikaw ang pangulo, saklaw mo na lahat ng karapatan na puwede kang sumang-ayon o komontra. Alam naman ni Pnoy na sa panahong yun, suspendido si dating PNP Chief  Alan Purisima. Bakit siya pumayag na isagawa ang Oplan Exodus? Kung hindi na ninyo maalaala, si Purisima ay nasuspende dahil umano sa anomaly sa courier service sa lisensiya ng mga baril. Nauna nang sinampahan ng kaso ang kapwa akusado ni Pnoy na sina Purisima at dating SAF Director Getulio Napenas. Tanong: sino ang dapat managot sa kamatayan ng SAF 44? Di ba may nag-utos? Bakit daw ang kaso niya ay graft at usurpation lang? May inihaing reklamo noon ang mga kaanak ng SAF-44 sa Ombudsman kontra Aquino na reckless imprudence resulting in homicide (multiple) pero hindi kinatigan ng anti-graft body dahil wala umanong matibay na ebidensiya. Oh, my God! Ano pa bang klase ng ebidensiya ang hanap, sabat ng marami!

******

Dahil sa ginawa ng Ombudsman, naglutangan ang mga haka-haka mula sa hanay ng mga analyst at legal luminaries. Baka daw ganyan ang ginawa upang sa bandang huli ay mapapawalang-sala si Aquino at sina Purisima at Napenas na lang ang madidikdik. Tapik nila: kung ang nautusan ay natiklo sa isang krimen, hindi ba’t may pananagutan din ang nag-utos o mastermind? Hindi ba’t kung nagbenta ka ng nakaw, pati ang bumili ay pinaparusahan din ng batas? E, bakit yung nautusan lang ang maiipit sa Mamasapano? Wala bang pananagutan ang nag-utos kung 44 na buhay ang nagbuwis? Yan ang argumento mula sa kampo ng mga naulila ng SAF 44. Lalo kung maalaala nila na nang dumating ang mga bangkay ng mga biktima ng masaker ay wala ang dating pangulo at may ibang pinuntahan. Masakit yun para sa mga naulila at saksi ang buong sambayanan sa pangit na eksenang ito. Ngayon at nakasuhan si Aquino ng mga kasong taliwas sa inasahan ng marami, sinong matutuwa? At kung magkakatotoo ang hinala na baka mapapawalang-sala rin siya, malaking dagok ito sa kasaysayan ng mga krimen sa ating bansa.  Pres. Duterte, may magagawa kaya sa isyung ito? Abangan! Adios mi amor, ciao, mabalos!

RELATED POSTS

QUITE UNDERSTANDABLE

Senator Loren Legarda is a champion of several causes including that of preserving and protecting the environment and promoting livelihood...

SINGKWENTA

On the day of commemoration of Martial Law, I decided to be poetic and cryptic, posting on my social media an allusion to the sinister...

URONG SULUNG

TILA BANTULOT ang mamamayan na alisin ang facemask sa kanilang mga mukha kapag nasa outdoor setting. Nitong mga huling araw, habang...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest