FACE MASK, BOLUNTARYO NA

BREAKING news ang pahayag Ng Palasyo sa gitna ng state visit ni PBBM sa Singapore. Opsyonal na ang pag-gamit ng face mask pag nasa outdoors. Sa patuloy na paglaganap ng pandemya, sa patuloy na
pagbilang ng mga kaso, panibagong hamon na naman. Kailangan pala umalma lang ang isang Lungsod tulad Ng Cebu, at kambyo agad ang IATF na syang punong abala sa mga tugong laban ke covid 19. Ganoon ka lakas ang pangunahing syudad sa kabisayaan.

Munting pananaw: noong ka kasagsagan ni covid, noong binanatan ang bansa ni Delta, halos isang taon ng nakalipas, naging oras-oras ang pagsusuot ng face mask bilang unang pananggalang. Atin itong ipinatupad, dala ng pangangailangang maisalba ang sarili, ang pamilya at kamag-anak at pati na ang malalapit na kapit-bahay, katrabaho, kaaliwan. Sa bawat pagkakataon, nandoon si face mask sa mukha,
nakatabing sa ilong at bibig.

Atin syang proteksyon at kalasag upang hindi mahawa at makahawa. Atin ding pinairal ang mga alituntuning ipinatupad bilang dagdag-proteksyon: ang regular na paghuhugas ng mga kamay sa tamang paraan, ang pagtalima sa social distancing ng higit sa isang metro ang layo sa bawat kapwa. Ngayong ginawang opsyonal ang face mask kapag nasa labas ng bahay, bilang kautusan, aasahan ang agarang pagsunod.

Higit na marami ang tatalima, sa paniwalang hindi na kailangan ang ganitong panang-galang laban ke covid, anumang variant ang nandyan lamang at susungab sa atin ng walang pakundangan. Samakatwid, nasa ating mga kamay ang pangunahing pamamaraan upang protektado anuman ang sitwasyon. Ito ay
isang mahalagang paalala lalo pa at dadami ang makakasalamuha bar hindi natin alintana kung tulad natin ay bakunado at boostered na.

Nasa atin pa rin ang desisyon ukol sa sariling kapakanan, kalusugan at kaligtasan. At dahil na rin na ginawang opsyonal, ating bigyang halaga ang pangunahing layunin sa ganitong panahon na si covid
ay umaaligid lamang. Angat Ingat Tayo Baguio Dapat Lahat.

Amianan Balita Ngayon