FAMILY PLANNING CARAVAN ISINAGAWA NG LA TRINDIDAD

LA TRINIDAD, Benguet

Ngasagawa ng Family Planning Caravan Implant Insertion ang La Trinidad Municipal Health
Services Office at naglibot sa iba’t ibang barangay para ipromote ang programang ito noong Marso 23. Ang aktibidad ay isang family planning service na libre ang pagpapa-implant ng contraceptive sa katawan upang maiwasan ang maagang pagbubuntis at upang maiwasan ang hindi kagustuhang mabuntis.

Matagal nang nagumpisa ang programang ito ngunit dahil sa kasagsagan ng pandemic ay kailangan itong maisagawa muli. Scheduled lang ang aktibidad ngunit pwedeng maavail ang ibang regular family services, bukod sa implant ay may iba pang pwedeng kunin dahil open para sa lahat ang pag
gusto ng family planning.

Ayon kay Sherr-an Karry ang Nurse II Family Planning Coordinator “Family Planning implant insertion, we are promoting implant insertion kasi this is good for three years na para hindi pabalik-balik yong client and then 99% effective siya.” Aniya “Divided to 10 to 14,15 to 19,20 to 49 years old as of wala pa namang 10 to 14. Adult mostly ang mas madaming
current users.” kadalasang nagparehistro ay 18 hanggang 40 taong gulang.

Francis Jay C. Alipio-UB Intern/ ABN

Amianan Balita Ngayon