Female drug personality na wanted sa Kalinga, nahuli sa Bicol

TABUK CITY, Kalinga – Hindi nakapalag ang isang babaeng drug personality na wanted sa lalawigan ng Kalinga sa pagtatago nito nang masopresang madakip sa kanyang probinsya sa Bicol Region.
Kinilala ang nadakip na si Realyn Jalimao Balane, 38, residente ng San Pedro, Jose Panganiban, Camarines Norte, Bicol Region. Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Jerson Angog, ng Branch 25, Regional Trial Court,2nd Judicial Region, Bulanao,Tabuk City,Kalinga sa paglabag sa Republic Act 9165 na walang piyansa ay nadakip ito sa kanyang bahay noong Hunyo 10 ng mga tauhan ng Kalinga Provincial Poice Office sa pangunguna ni Maj. Noel Laguiwed sa tulong ng Panganiban Municipal Police Station.
Ayon kay Col. Peter Tagtag,Jr., provincial director, si Balane ay nasa listahan bilag No.2 Regional at No.4 Provincial Drug Personality na
wanted din sa Tabuk City sa taong 2022.
Noong Hunyo 16,2016, si Balane ay nadakip sa search warrant operation sa Hawaii, Dagupan West, Tabuk City, Kalinga at kinasuhan ng paglabag sa RA 9165 matapos mahulihan ng 17 piraso ng sachets ng shabu, pharaphernalia, ammunitions at cellphone.
Pinayagan ang suspek na makapag-piyansa ito sa pansamantalang pagkakalaya, subalit pinawalang-bisa ito ng korte dahil hindi dumadalo sa hearing.
Ayon kay Tagtag, mula noon ay nagtago at hindi na nakita ang suspek sa Tabuk City, hanggang sa malaman ng pulisya na bumalik na ito sa kanyang probinsya.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon