Final demand sa Uniwide, ipapadala ng lungsod

Mar 17, 2018

Iniutos ni Mayor Mauricio G. Domogan sa mga kinauukulang tanggapan ng lokal na gobyerno na magpadala ng final demands sa management ng Uniwide Realty and Sales Development Corporation kung interesado o hindi ang kompanya na ituloy ang matagal nang naantalang plano sa pagpapaunlad ng pamilihan ng lungsod.
Sinabi ng mayor na kailangang linawin ng Uniwide ang kanilang interes na ituloy ang pagpapaunlad ng pamilihang lungsod sa gitna ng isyu ng insolvency ng kompanya sa nakabinbing apela sa Court of Appeals (CA).
Nauna rito, nagpahiwatig ng intensiyon ang Uniwide na isagawa ang development project sa pamilihang lungsod matapos ideklara ng Supreme Court (SC) ang constitutionality ng market ordinance ng lungsod at ang validity ng development contract na pinasok ng lokal na pamahalaan at ng kompanya noong Agosto 1996.
“We are sending our final demand to Uniwide to ascertain its capacity to pursue the market development project as input into our decisions in the coming months. Our market really needs the appropriate development to be at par with the market facilities of other major cities and first-class towns in the north,” diin ni Domogan.
Aniya, kailangang tiyakin ng lokal na pamahalaan kung legal o hindi na makisosyo ang Uniwide sa mga korporasyon sa pagpapaunlad ng pamilihan sa gitna ng nakabinbing isyu sa insolvency kung saan umapela ang kompanya sa ruling ng lower court sa CA.
Ayon pa sa kaniya, napag-iwanan na ang pamilihang lungsod sa aspeto ng pagpapaunlad sa katulad na market facilities sa ibang major cities at first-class municipalities sa hilaga.
Idiniin niya ang kahalagahan ng well-developed public market na siyang madalas puntahan ng mga residente at turista sa lungsod.
Nauna rito, lumikha ang local legislative body ng komite upang pag-aralan ang mas magandang hakbang sa pagpapaunlad ng pamilihang lungsod.
Sinabi pa ni Domogan na ang pagkaantala sa development ng pamilihang lungsod ng halos dalawang dekada ay nagresulta ng napakalaking kawalan sa parte ng lokal na pamahalaan, lalo na sa pagbibigay sa mga lehitimong vendor ng mas mainam na espasyo at ang publiko na may maluwang na lugar upang makapag-transact ng negosyo na kapaki-pakinabang sa pagpapaunlad sa pasilidad ng lungsod
Umaasa si Domogan na ang Uniwide management ay agad na tutugon sa final demand ng lokal na pamahalaan upang makapagplano ang mga opisyal sa susunod na hakbangin.
Ang Uniwide ay ang nag-iisang bidder nang isagawa ng lokal na pamahalaan ang bidding para sa P1.7 bilyon na proyekto sa pagpapaunlad ng pamilihang lungsod ngunit ang mga concerned vendors ay nagtatanong sa constitutionality ng ordinansa at ang bisa ng kasunod na kontrata na pinirmahan sa pagitan ng developer at ng lungsod. Baguio PIO / ABN

RELATED POSTS

BAGUIO BOOK FAIR

BAGUIO BOOK FAIR

The Development Board Association of the Philippines, with the support of the National Book Development Board of the Philippines, brings...

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest