BAGUIO CITY – Hinikayat ng Baguio City Fire Department ang publiko na makibahagi sa fire safety campaign para maiwasan ang mga insidente ng sunog, makaraang iniulat ang pagtaas ng fire incidents mula sa nakalipas na limang buwan sa siyudad ng Baguio. Sinabi Supt.Nestor Gorio,city fire marshall, mula Abril hanggang Agosto ngayong taon ay tumaas ng 15.38 porsyento kumpara sa mga katulad na insidente na nangyari sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Ayon kay Gorio, noong nakaraang taon sa magkapaerehong buwan ay 13 fire incidents lamang ang
naitala, samantalang ngayon taon ay umakyat ito sa 15 insidente. Aniya, sa mga pagsisiyasat ng mga arson investigators sa naganap na sunog ay nakta na ang pangunahing dahilan ay hindi pag-iingat sa pagluluto, overloading ng mga electrical, sobrang init ng mga gamit sa bahay at iba pa.
Sa talaan mula Enero hanggang Agosto ngayon taon ay nasa 3,007 establisyimento ang napag-alamang nabigyan ng kinakailangang fire safety inspection certificates kumpara sa 2,487 lamang na inspeksyon
na establisyimento na may parehong sertipiko noong nakaraang taon. Iniulat din ni Gorio na bumaba ng 12.17 porsiyento ang emergency response ng mga lokal na bumbero mula Enero hanggang Agosto
ngayong taon kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Aniya, ang fire department ay nagresponde mula sa 166 na tawag na pang-emergency kumpara sa 189 na mga emergency na kaso noong nakaraang taon. “Let us all practice fire safety, para makaiwas sa anumang sunog at para na din sa kaligtasan ng pamilya,” pahayag pa ni Gorio.
Zaldy Comanda/ABN
September 24, 2022
September 22, 2023
September 22, 2023
September 22, 2023
September 22, 2023
September 22, 2023
September 22, 2023