Firefighters ng Cordillera, sinanay ng US experts

Jan 28, 2019

TUBA, Benguet – Isangdaan at walong tauhan ng Bureau of Fire and Protection mula sa mga lalawigan ng rehiyong Cordillera ang sumailalim sa limang araw na fire and rescue training na isinagawa ng Firefighters for Christ (California), na ginanap sa Asin Hotspring, sa bayang ito.
Ito ang ikaapat na fire and rescue training na isinagawa ng mga bihasang dayuhang firefighters sa bansa sa ilalim ng Training Camp Philippines 2019 ng BFP National Headquarters, na ang una ay sa Quezon City, Bacolod, Davao at Cordillera.
Tatlong mga makabagong training techniques ang itinuro sa mga participants, na gaya ng Swift Water Rescue, na ang facilitators ay sina  Danny Rodriquez, Bob Ameche at Simon Hewiit; Wild Land Fire Management, ang facilitators ay sina Joe Lindaman, Patrick Stilson at Tom Nichols; at ang Auto Extrication, na ang facilitators ay sina Luis Carlos at Dave Kromka.
Ayon kay Fire Senior Superintendent Maria Sofia Mendoza, regional director, ang training ay napakalaking tulong para sa BFP personnel na magkaroon ng karagdagang mga techniques para sa fire and rescue training.
“Hindi lang sa fire nakatuon ang aming tauhan, kundi sa ngayon ay sinasanay na sila sa rescue operation, dahil alam naman natin na ang BFP ang isang nag-reresponde sa isang insidente. Gaya ngayon tinuturuan sila kung paano baklasin ang isang sasakyan para iligtas ang pasahero sa aksidente at paano magresponde at apulahin ang isang wild fire o forest fire,” pahayag ni Mendoza.
Aniya, napakasuwerte ang BFP sa Cordillera na makatanggap ng kakaibang training at mapalakas pa ang abilidad ng mga bumbero sa larangan ng sunog at mga sakuna. Bukod dito ay ang swift water rescue na malaking tulong sa panahon ng pagbaha.
“Ang mga personnel natin ay may regular na training at aminado tayo na may konting kulang sa kagamitan, pero ngayon ang mga dalang kagamitan ng mga facilitators ay ibibigay na sa amin, kaya napakalaking tulong ito sa BFP,” dugtong pa ni Mendoza.
Ayon naman sa trainor na si Joe Lindaman, napili nila ang Cordillera dahil malimit maganap ang aksidente, lalong-lalo na sa vehicular accident at sa dala nilang makabagong kagamitan ay mabilis na mare-rescue ang na-trap na biktima sa loob ng sasakyan.
“I salute to all the participants, madali silang turuan at aktibo sa training. Ang aming kaalaman sa makabagong techniques ay nais naming ibahagi sa personnel ng BFP sa Pilipinas,” ayon pa kay Lindaman.
Zaldy Comanda/ABN

RELATED POSTS

AMIANAN POLICE PATROL

2 Male minors arrested for possession of illegal drugs and airsoft guns Two minors involved in a commotion were arrested after they were...

HEARING AID

HEARING AID

DOH-Ilocos Region Chief of Local Health Support Division Jimuel S. Cardenas, hearing aid recipient -Ryan K. Palacay, Regional Director...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest