BAGUIO CITY
Pinangunahan ni First Lady Liza Araneta Marcos, kasama sina DepEd Secretary Sonny Angara, dating DILG Secretary Benhur Abalos at Mayor Benjamin Magalong, ang pagpapailaw sa higanteng Christmas Tree sa harapan ng The Mansion noong Miyerkules ng gabi, Nobyembre 27. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon ng
seremonya sa pagpapailaw ng Christmas Tree sa loob ng The Mansion. Matatandaang pinangunahan din ng Unang
Ginang ang pagbubukas ng The Mansion sa publiko noong Setyembre 7, 2024 upang makita ng mga bisita ang Presidential Museum sa loob nito.
Nagsisilbing atraksyon ngayon ang 9-meter-tall na Christmas Tree, lalo pa’t pinayagan ng gobyerno ang mga turista na pumasok sa compound para kumuha ng magagandang larawan. Ayon kay Dina Tantioco ng Presidential Social Secretary’s Office at Al Valenciano ng Malacanang Geritage Museum, ang Christmas tree na may mga disenyo ng 36 na parol na gawa sa mga katutubong materyales ay kabilang sa 158 entries sa buong bansa sa parol making contest na ginawa katuwang ang Department of Education. Ang mga parol ay ginawa ng mga high school students sa buong bansa gamit ang mga katutubong materyales na may temang “Heritage, Culture and Arts.”
Ang mga nagwagi sa Malacanang parol-making contest ay inanunsyo sa Linggo (Dec. 1). Sinabi ni Tantioco, “ito ang
unang pagkakataon na magkakaroon tayo ng ganitong uri ng kaganapan dito bilang karagdagang atraksyon. Ang
pag-iilaw ay bahagi ng tampok na turismo na ipinakilala kasunod ng pagbubukas ng gobyerno ng mga pintuan ng
The Mansion House sa publiko noong Setyembre 2024.” Idinagdag ni Tantioco na nais ng Unang ginang na dagdag na feature ang Christmas tree na nagpapaliwanag din ng pagbubukas ng mga gate hanggang 8:00 p.m. mula sa
karaniwang 5:00 p.m.
Sinabi ni Valenciano na mula nang buksan ang museo noong Setyembre, nakapagtala sila ng average na 4,500
buwanang bisita na pumapasok upang makita ang museo sa loob ng The Mansion kabilang na ang compound na dating pribado at eksklusibo. Idinagdag niya na sa mismong mga tarangkahan, nasa average na 2,500 araw-araw na bisita ang kumukuha ng kanilang mga larawan. Kasama rin sa pag-iilaw sina DOT Regional Director Jovita Ganongan, Baguio Tourism Council Chairman Gladys Vergara at ilang opisyal ng lungsod.
ZC/AAD/ABN
November 30, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024