FOOD HANDLER’S SEMINAR PATULOY NA ISINASAGAWA SA LA TRINIDAD

LA TRINIDAD, Benguet

Patuloy na isinasagawa ng Municipal Health Services Office (MHSO) ang daily Food Handler’s seminar training hanggang sa katapusan ng Pebrero, bilang parte ng La Trinidad Business One Stop Shop (BOSS) na pograma ng gobyerno.  Kumpara sa regular na schedule ng opisina ay araw-araw itong ginaganap sa MHSO.  Layunin ng seminar na turuan ang mga food business owners patungkol sa maayos, malinis, at tamang pag-proseso ng mga pagkain.

Kabilang sa mga food business owners ay mga parmasya, vegetable traders, fast food stores, sari-sari stores at iba pa. Ito ay isinasagawa para sa lahat ng nangangailangan ng medical certficate
nila bilang food handlers. Ayon kay Dr. Antonette Agpas, Municipal Health Officer, “gusto natin na
maiwasan sana ang outbreak dito sa ating community. Since we are in public health, we would want to protect the health of the general public.

Siyempre mag-uumpisa yan sa pag-ensure na lahat ng nagpe-preapare ng mga pagkain natin, kaya dapat ay nasa tama at maayos na preparation.” Dagdag pa ni Agpas na bagama’t tatlong taon ang expiry ng food handler’s certificate ay mataas ang naging demand simula ng isinali ang programa
sa BOSS. Ito ay taliwas sa bilang ng dumadalo sa kanilang regular session na isinasagawa lamang tuwing Martes kada linggo.

“Ngayon kasi mataas yong demand kaya dine-daily po natin hanggang matapos ang Business One Stop Shop,” ani ni Agpas.  Nagpapasalamat naman si Sharon, isang milktea owner sa oportunidad na makasali. “of course important kasi kailangan knowledgeable ang nagbi- business sa sanitation, para alam mo kung ano ang dapat tama at yong hindi.”  Babalik sa regular na schedule ang seminar sa Marso.

Chasetine Glad Banig, UB Intern

Amianan Balita Ngayon