Forest fire, naiulat sa Baguio

Bahagyang nasunog na basura ang itinuturong pinagsimulan ng forest fire na iniulat sa Baguio City Police Office dakong 9:50 ng gabi ng Enero 10.
Ang naturang sunog ay sa nasasakupan ng Mount Tepeyac Residence na pag-aari ni Henry Tuazon sa Leonard Wood Road, Baguio City.
Agad rumesponde ang mga tauhan ng station 3 ng BCPO kasama ang Baguio Fire Station na nagdeklara ng fire out dakong 10:30pm ng parehong petsa.
Walang naitalang nasugatan o nasaktan sa naturang insidente.

Police Patrol

AMIANAN POLICE PATROL

Amianan Balita Ngayon