G7 Presidency 2017 Summit sa Taormina, Italya idinaos

Jul 2, 2017

Ginanap ang pagtitipon ng mga bansang bumubuo ng G7 o grupo ng pito noong Mayo 26-27, 2017.
Ang pangunahing usapin nila ay nasasangkot sa malawakang isyu ng pandaigdigang ekonomiya, seguridad at enerhiya.
Mula sa pito, apat na miyembro nito ang baguhan – ang America na kinatawan ni Donald Trump, Pransya na si Emmanuel Macron, Britanya na si Theresa May at si Paolo Gentiloni ng Italya. Ang mga ito ay pawang bagong halal na pangulo sa kani-kanilang mga bansa. Samantalang ang tatlo na si Angela Merkel, kinatawan ng Germany ay pang-12 pagkakataon na nitong naninilbihan bilang kasapi sa grupo; Abe Shinzo ng Japan ay anim na beses at si Justin Trudeau ng Canada ay dalawang beses sa kasalukuyan.
Ano ang katayuan ng G7 sa pag-uusap nila dito sa Taormina bilang mga kinatawan?
Ang G7 ay isang inpormal na bumubuo bilang kinatawan sa industrialisadong ekonomiya.
At ang kasalukuyang miyembro nito ay siyang humahawak ng halos 50% pandaigdigang ekonomiya. Bagama’t nirerepresenta nito ang 60% yaman ng mundo.
Ngunit hindi pinanghahawakan ng G7 ang mandatory desisyon at ang pag-uusap nila dito ay isang oportunidad ng mga kinatawan para ihayag at ilatag ang kanilang kuro-kuro hinggil sa
naturang usapin para sa ikalulutas nito.
Ang Presidency ay nagdedepende sa kanyang mga miyembro pagkat responsibilidad ng mga ito ang pagpapatupad ng napagkasunduang agenda at pagsasaayos sa lohistiko nito.
Pinakapuntong isyu, ang pagresolba at pagharap sa problemang pagbabago ng klima.
Nauugnay dito ang Estados Unidos; dahil sa polisiya nitong “America muna” at ang kagustuhan nitong ipatupad ang carbon emission o greenhouse gas emission.
Samantala, sinisisi ni Trump ang Tsina na siyang dahilan kung bakit lumalala ang problema ng polusyon sa daigdig. Ngunit ito ay isang panggigipit sa mga kaalyado nito sa kagustuhang ipatupad ang bukas na pakikipag-ugnayan at seguridad alang-alang sa Paris climate agreement noong 2015.
Agendang seguridad, ang pinakatampok at mainit na diskusyon ang “seguridad”; dahil sa bangayan ng Syria at Libya.
Maging ang pagbabanta ng North Korea sa pagpapasabog nito ng nuclear, na ikinababahala ng mga karatig na bansa nito sa Asia, ang siyang pinakasalimuot na pag-uusapan ng G7.
Samantalang ang Italya naman ay humihingi ng ayuda sa mga bansang kasapi ng G7, dahil dito nagbabagsakan ang napakaraming refugees na karamihan ay nanggagaling sa Africa.
Kaugnay nito, ang Russia na sinibak noong 2014 ay maaaring bigyan ng pagkakataon na makibahagi uli sa G7. Kaya naman ang pakikipag-ugnayan sa Moscow ang siyang pinaka-top-agenda.
Tanawin, sinamantala naman ng Italya na i-promote sa turismo ang Sicilia sa mga nag-gagandahang tanawin nito.
Katunayan, ang Taormina ang pinakasikat na dagsaan ng mga turista sa Sud Italya, kung saan binigyan ng maikling panahon ng pagkakalakad ang mga kinatawan ng G7 at tumagal ng 25 minutos na nag-uusap-usap sa hanging plaza nito, at kung saan tanaw ang napakalinis na dagat sa ibaba at napakagandang ambience nito.
Kalapit ng Taormina ang Bundok Etna – ang pinakamataas na bahagi ng buong Europa at isa sa mga pinakaaktibong bulkan sa buong mundo, dahil bumubuga ng lava araw-araw na siyang naging atraksiyon nito. Dinarayo ito ng milyon-milyon na turista mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Sa Sicilia matatagpuan ang mga lumang gusali, mga teatro gaya ng tinayuan ng G7 leaders sa pagbubukas ng naturang summit.
Mga naggagandahang garden, mga paliguang dagat gaya ng Lampedusa isola – ang pinamaganda at pinakamalinis na dagat sa buong mundo.
Sa Catania City naman na bagsakan ng mga turista kung saan namasyal at nagtanghalian ang mga unang ginang ng G7 leaders.
Ang tanawin ng Taormina at Sicilia ang isa sa naging tampok ng G7.
Sabado Mayo 27: Pagtatapos ng summit. Sa pangalawa at ikahuling araw ng meeting ng Presidency ay dinaluhan din ng bansang Guinea na kinatawan ni Pangulong Alpha Conde at ang mga kinatawan ng European Union.
Ang mga bansang miyembro ng G7, maliban ang Estados Unidos ay kinumpirmang ipagpapatuloy ang mahigpit na pagpapatupad sa 2015 Paris climate agreement. Ngunit nangangapa ang grupo kung ano ang intensyon at desisyon ni Trump at malalaman pa lang nila ito sa susunod na linggo.
Dismayado naman ang Italya sa kanyang panawagan na maging bukas sana ang legal channel ng migration para mapahupa ang pagdagsa ng mga tao sa Europa pagkat maraming buhay ang nakataya rito.
Samantalang ang America at Britania ay totally sarado ang pagtanggap nito sa mga refugees. Kaya’t mahigpit na ipinatutupad ng mga ito ang seguridad at pagbantay sa baybaying karagatan na nasasakupan nito.
Hamon naman ng Japan sa G7 na puspusang kundinahin nito at North Korea sa patuloy na ginagawang nuclear test, dahil ito ang nagbabanta sa international na kapayapaan at seguridad.
Taon-taong ginaganap ng G7 ang impormal at nagsasalo-salo ang mga bansang kasapi nito, ngunit ang desisyon nito ay hindi nagbubuklod bilang international treaty bagkus pagpepresenta lamang ito ng mga kinatawan sa politika ng kanilang sinumpaan. ALEX LAYAGAN / ABN

RELATED POSTS

SPECIAL TREATS FOR EMPLOYEES

SPECIAL TREATS FOR EMPLOYEES

Benguet Capitol employees availed themselves of free haircut, hot oil hair treatment, foot spa, and manicure and pedicure services, an...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest