Gabay sa pagbayad ng relocation ng electric poles, itinakda ng DPWH at DOE

Sep 3, 2017

Nagkasundo ang Department of Energy at Department of Public Works and Highways sa mga gabay sa relokasyon ng electric poles na sagabal sa road rehabilitation at expansion projects.
Nag-isyu ang dalawang ahensiya ng Joint Circular No. 01, series of 2017 “prescribing the uniform guidelines and procedures for the proper payment of compensation and/or recovery of cost in the event of the need to relocate the electric cooperative distribution/subtransmission lines for the primary purpose of the government”.
Matapos ang kasunduan ay sinabihan ni Benguet Electric Cooperative General Manager Gerardo Verzosa ang mga opisyal ng local government sa relocation ng electric poles ay maisasagawa na sa malapit na panahon na kung saan ay mabibigyan ng bill ang DPWH sa halaga nito.
“We have decided to already relocate the poles in major roads pending the completion of an inventory of poles and the execution of an agreement with DPWH,” ani Verzosa sa isang liham kay Mayor Peter Alos ng Atok, Benguet.
Sa lungsod ng Baguio ay kabilang ang mga poste sa Virginia Romulo Drive, partikular sa papuntang Botanical Garden na naiwan matapos ang expansion ng daan na naisakripisyo ang sidewalk.
Habang tumitingin ng pondo para sa cement railing ay nakaligtaang ibilang sa program of work ang relokasyon ng electric poles na naitayo sa sidewalk.
Bilang napagkasunduan ay babayaran ng DPWH ang Beneco sa halaga ng relokasyon alinsunod sa formula na nakasaad sa kasunduan, ang bayad ay kabilang na ang cost of labor at equipment na kailangan sa pag-alis sa apektadong pasilidad o electric poles ng kooperatiba.
Ang kabayaran ay alinsunod sa Section 9 ng Republic Act 10531 o ang National Electrification Reform Act of 2017 na nakasaad sa isang bahagi nito na “in the event of the need of such lands and thoroughfares for the primary purpose of the government, the electric cooperative shall be properly compensated”. ABN

RELATED POSTS

BAGUIO BOOK FAIR

BAGUIO BOOK FAIR

The Development Board Association of the Philippines, with the support of the National Book Development Board of the Philippines, brings...

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest