Gawad ng sertipiko ng pagpapahalaga

Personal na ipinagkaloob ni Bauang Mayor Eulogio Clarence Martin P. De Guzman III kay Payocpoc PB Joel A. Caluza ang sertipikong pagpapahalaga sa kanyang tungkulin bilang mabuti at matapat na namumuno sa kanyang nasasakupan na barangay. Kasamang nakasaksi si Bise-Mayor Bonifacio G. Malinao Sr. at mga Sangguniang Bayan members sa isinagawang buwanang pagdalaw ng Gobiernong Abot ang Barangay (GABAY) mula sa proyekto ng Munisipalidad ng Bauang noong ika-19 ng April 2017.

Amianan Balita Ngayon