Ang mga tagapaglathala (publishers) at mga mamahayag ay humaharap sa mga nakababahalang isyu, gaya ng pagbagsak ng mga nagbabasa ng diyaryo at ang kabiguang mahikayat ang mga mambabasa lalo na ang kabataan. Datapwa’t, ang iba pang mga problema ay nananatili habang nagpapatuloy na nakikipagtagpo ang mga pahayagan sa Internet at nakikipagbuno sa kinabukasan ng digital news. Nakita natin ang malungkot na pagsasara ng maraming mga pahayagan, ilang pambansang pahayagan at maraming lokal na diyaryo. Na kahit mga mas matatagal na at institusyon na sa industiya ng paglalathala ay hindi nakaligtas sa matinding hamon ng makabagong uri ng paghahatid-balita.
Sa ika-13 taong anibersaryo ngayong Setyembre 4, 2024 ng Amianan Balita Ngayon ay maraming dapat ipagpasalamat, una sa Panginoong Diyos, mga napagkakatiwalaan at nasasandalang mga advertisers, mga subscriber at masusugid na tumatangkilik at nagbabasa ng isang hamak na pahayagan. Tunay na hindi matatawaran ang mga pagsubok na hinarap at pinagtagumpayan ng diyaryo ng masang Pilipino sa Hilagang Luzon, hanggang sa sandaling ito ay patuloy na nakiki-agapay ang ating diyaryo sa mas tumitinding mga pagsubok at alalahanin. Habang ang industriya ng pamamahayagan ay patuloy na muling likhain ang sarili at subukan ang mga bagong pitak at bagong paraan upang masiguro ang kinabukasan nito, maaaring ang bawat “magagandang ideya” ay gagana.
Gayunman, ang mahalaga ay patuloy ang pahayagan natin na sumubok ng mga bagong ideya at mga modelo ng pagnenegosyo upang makaangkop at umunlad pa sa panahon ng Internet at digital age. Ang pamamahayagan (journalism) ay hindi isang siyam-hanggang-lima na trabaho. Ang propesyon mismo ay isang napaka-reactive na maaaring maging mahirap para balansehin ang personal na buhay sa karera. Ang lahat ng ito ay maaaring makaapekto sa kalusugang mental, at ang pagkahapo ay siyang karaniwan. Sa kabila ng katotohanang ito ay, pati ang mga tagapaglathala (publisher) at mga nangunguna sa pagtaguyod sa Amianan Balita Ngayon minsang nakaramdam
ng panghihina.
Subalit dahil sa likas na pagmamahal sa pamamahayagan ng may-ari ng diyaryo ay “naigapang” ang pag-iral ng pahayagan upang marating ang labing-tatlong taong paglilingkod sa mamamayan ng hilagang Luzon at mga palibot na komunidad. Madaling isara ang diyaryo kung tutuusin, dahil sa bigat ng responsibilidad at matinding halaga ng oras at pera ang kailangang ibuhos dito, ngunit sa kaibuturan ng puso at isip ng publisher ay ang kapakanan ng mga umaasang ilang kawani at kasama sa paglalathala. Sa kabila ng maliit na kita ay naitatawid ang kabuhayan ng bawat isa. Sa kabila ng mga hamon sa trabaho, ang mga mamamahayag ay kailangang, pagkatapos ng bawat isang araw ay matulog na alam na may nagawa at ginagawa sila upang maging mas mabuting lugar ang mundo.
Sa pangkalahatan, ang mga mamamahayag ay sensitibo at makatuwirang mga tao. Sensitibo dahil may pakikiramay para sa mga pinagmumulan, mga pagdurusa ng tao, at mga problema sa lipunan – at makatuwiran dahil nakikita naming ang mga bagay na walang kabuluhan at ihahatid ang katotohanan. May layunin sa pagkaalam na ang ating trabaho ay may halaga ang ating trabaho sa mas malaking institusyon ng demokrsya at lipunan. Masarap din sa damdamin na makipagtrabaho sa mga mabubuti at disenteng mga tao na may kaparehong pangako sa isang mas mabuting mundo.
Sabi nga nila, ang buong ekosistema ng pamamahayagan ay itinatag sa pagtitiwala. Kaya gaya ng pagtitiwala ninyo – aming mga masugid na taga-suporta ay pipilitin naming ipa-ilanglang pa ang guryon ng Amianan Balita Ngayon na kayang lagpasan ang anumang bagyo at pagsubok sa sama-sama nating paghawak sa pisi ng tagumpay. Dahil kung nabasag ang pagtitiwala, ang buong institusyon ng pamamahayagan ay babagsak. Ipinapangako naming panatilihin ang pagtitiwalang ito. Mabuhay Amianan Balita Ngayon! Maligayang ika-13 taong anibersaryo! Mabuhay ka! Maraming salamat po sa inyong lahat!
September 7, 2024
September 7, 2024
October 5, 2024
September 29, 2024
September 20, 2024
September 13, 2024