CAMP GEN. OSCAR FLORENDO, La Union – – Pinangunahan ni Philippine National Police Chief General Rodolfo Azurin Jr., ang turn-over ceremonies ng bagong itinalagang regional director ng Police Regional
Office-1 sa Camp Gen.Oscar Florendo, San Fernando City, La Union ngayong hapon, Oktubre 24.
Brg.Gen.John Chua, pormal na itinalaga bilang bagong regional director ng Ilocos Region cops, kapalit ni
BGen. Belly Tamayo, na ngayon ay itinalaga bilang deputy chief ng Directorate for Intelligence sa Camp Crame. Si Chua ay miyembro ng Philippine National Police Academy Class of 1992 ay dating Deputy Regional Director for Administration ng Police Regional Office- Cordillera, bago siya napiling pamunuan ng PRO1.
Sinabi ni Chua sa buong pulisya sa rehiyon na ipatupad ang programa ng PNP at tuparin ang kanilang mga tungkulin sa populasyon ng sibilyan. Binanggit niya ang ‘MKK=K’ o Malasakit, Kapayapaan, Kaayuasan=Kaunlaran, isang programang ipinatutupad ni CPNP General Rodolfo Azurin,Jr. Inihayag din ni Chua ang pagpapatuloy ng mga programa ni Tamayo at gagawin ang lahat para mas mapabuti pa ang mga serbisyo sa mga mamamayan.
Ayon kay Azurin, malaki ang kanyang tiwala sa kakayahan ni Chua na pamunuan ang rehiyon, dahil sa
kanyang mahusay na mga nagawa at dedikasyon sa trabaho sa panahon ng kanyang paglilingkod.
Matatandaang noong 2020 sa kasagsagan ng pandemya ng Covid-19, unang nakamit ni Azurin ang posisyon bilang regional director sa PRO-1 at sa loob ng isang taon ng serbisyo, dito niya inilunsad ang
kanyang programang ‘MKK=K’.
Zaldy Comanda/ABN
October 29, 2022
October 29, 2022
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024