Ginagawang istraktura sa Maharlika mariing tinutulan ng mga tenant

LUNGSOD NG BAGUIO – Umugong ang reklamo ng mga tenant sa Maharlika Livelihood Complex ng makitang may mga istraktura na ipinapatayo sa third floor main lobby, at ang pagbabakod nito ng mga tubo sa Palangdao Business Center, Rooftop Garden at sa tabi ng Beneco na ayon sa kanila ay posibleng magdulot ng kapahamakan sa tenant at sa mga tao na dumaraan, unsafe at walang ventilation, overcrowded stalls at ang ikinatatakot pa ng mga tenants
sa ground lobby ay baka bumagsak ang nasabing istraktura na mula sa third floor.
Maging sa Rooftop Garden ay may ilang tenant ang nabigyan ng Notice to Vacate ang kanilang puwesto dahil matatamaan daw ito ng isasagawang project proposal ng MLC. Isa sa nabigyan ng Notice ay ang tenant na si Geronimo Vergonia kasabay ang kasulatan sa Expiration of Term of Contract kung saan nakasaad dito na hindi na
maaring mag-renew ng contract of lease na binigyan ng palugit hanggang sa Disyembre 31, 2019 na lamang.
Gumawa ng Letter of Intent for stall renewal si Vergonia sa Administration ng HSDC-MLC upang alamin na rin ang kadahilanan kung bakit hindi na sila mabibigyan ng renewal, subalit ng humarap sa kanila ang Leasing Officer na si Jun Del Rosario ay napunta lang sa pagtatalo ang usapan at lalong nadiin si Vergonia na wala ng pag-asa pa para makapag renew ng kontrata.
Idinulog sa Maharlika Livelihood Complex Unified Tenants Association ang bagay na ito na agad gumawa ng hakbang ang presidente ng MLCUTA na si Adelaida Aquino Cagalingan, tinipon nito ang mga tenant na nabigyan ng Notice to Vacate.
Inilapit nila ito sa City Buidings and Architecture Office (CBAO) upang alamin kung may kaukulang building permit ang istraktura at napag-alaman na wala pang naisusumite na request for building permit ang HSDC-MLC.
Napag-alaman rin ng magkaroon ng dayalogo kay HSDC General Manager Rufino Panagan ay sinabi nito na walang mangyayaring pagtatanggal sa mga tenant at pinahihintulutan rin ang renewal ng mga lease of contract maliban na lang kung may mga paglabag ang mga tenant gaya ng hindi nakakapagbayad ng kanilang stall.
Inamin rin ni Panagan na may mga istraktura na ipinapatayo ngunit nagkamali lang ang Project Manager dahil hindi nakapag comply kumuha ng building permit sa CBAO kaya pinahinto namin ang konstruksiyon ng istruktura. Sa panayam ng Amianan Balita Ngayon kay Project Manager Rocky Balisong inamin nito na hindi nakapag secure ng building permit sa CBAO kaya tinupad naman na pinahinto ang pagpapatrabaho sa istruktura at sumulat sa CBAO na ang istraktura na ginagawa sa third floor ay “additional commercial spaces that is in compliance with the recommendation of the COA the annual audit record in 2016 and 2017 to maximize the commercial potential of the complex,” This project proposal It was approved by virtue of a Resolution No. 1 series of 2019 of the Transition  Management Committee of the Human Settlement Development Corporation that approving the appropriation of an amount for the Construction of 4th and 6th floor open spaces, service elevator and additional commercial spaces atop main lobby,” We are confident that we are comply with the requirements of the law,” ani Balisong.
 
Mario Oclaman/ABN

Amianan Balita Ngayon