Ginang, nasagasahan ng taxi

Police Patrol

Nasagasahan ng isang taxi ang isang ginang bandang 7:55am ng November 9, 2017 sa kahabaan ng Otek Street, Baguio City.

Kinilala ang biktimang si Estelita Barroga Ducay, 47, married, dentist, at residente ng 19-B, Sunflower Street, Lexber Subdivision, Balacbac, nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon, tumatawid ang biktima mula Bayanihan papuntang Panadero Restaurant nang biglang masagasahan ng Mitsubishi Adventure Wagon Taxi na may plakang AYU-819 at minamaneho ni Casmir Atiwag Omikeg, 25, single, student, at residente ng 152, Idogan Village, San Carlos Heights, parehong lungsod.

Sa nangyari, nagtamo ang biktima ng pinsala sa dalawang paa at dinala ng driver ang biktima sa BGHMC para sa agarang lunas at kalauna’y na-confine.

Natanggap ng mga rumespondeng traffic investigators ng TEU, BCPO mula sa naka-destinong security guard ng BGHMC ang OR/CR ng taxing sangkot kabilang ang driver’s license ng suspek para sa reference.