“Give love, Share love”, pinangunahan sa CDH

Provincial

CABA, LA UNION- Ang Caba District Hospital (CDH) ay nanguna sa paglunsad ng “Give Love, Share Love this Feb-ibig” para sa kanilang mga pasyente, kasama din ang mga outpatient at mga watcher sa Poblacion Sur, Caba, La Union nitong nakaraang Valentine’s Day.

Ang hepe ng ospital na si Dr. Gretchen F. Aromin ay bumati sa mga pasyente at namigay ng mga regalong bag, tsinelas sa mga batang pasyente at mga herbal na sabon sa mga nakatatandang pasyente.

Sa kabuoan ay may 34 na pasyente ang kanilang nadalaw sa ward at sa Outpatient Department (OPD). Nagkaroon din ng staffpatient interaction activity sa hapon, na sinundan ng information education campaign para sa health and ellness.

Ang nasabing aktibidad ay may layong paalalahanan ang mga pasyente ng ospital na ang CDH ay naroroon para sila ay bigyan ng pagmamahal at nang kanilang matanto na ang pagkakaroon ng karamdaman ay hindi ibig sabihing sa kama ka na lamang.

Hinahangad ng CDH na pasiglain ang kanilang mga pasyente at pawiin ang kanilang pag-aalala para sa mabilis na paggaling.

 

 

MARLON C. RUNAS, GPCCDH