Gob ng La Union nangakong ipagpapatuloy ang environment programs

Provincial

SIUDAD NG SAN FERNANDO, La Union – Nangako si La Union Governor Francisco Emmanuel Ortega III na ipagpapatuloy nila ang greening program, pagtatanim ng mga katutubong punongkahoy, at ang proteksiyon ng pagkasari-sari (biodiversity) kabilang ang mga bahura ng korales at bundok (reefs and ridges).

“We shall allocate our resources in managing and protecting our natural resources,” ani Ortega sa kaniyang mensahe. Sa isang consultationdialogue na ginanap kamakailan, nakipagkita si Ortega kasama si Annalyn Rosario Valdez, pinuno ng Environment and Natural Resources Unit sa mga kinatawan ng environmental group na Lupon ng mga Indibidwal na Nangangalaga sa Kalikasan (LINK).

Kabilang sa mga mahahalagang isyu at posibleng mga aksiyon na tinalakay ay sa climate change adaptation, biodiversity conservation, sustainable energy, at water resource management.

Sa pahayag ng suporta ng gobernador sa organisasyon ay ipagpapatuloy na magtutulungan ang pamahalaang lalawigan at LINK sa pagpupursige sa kamapanya para sa proteksiyon ng kapaligiran.

Nagtratrabaho ang La Union tungo sa adhikain na magtatag ng isang ligtas, nagsasarili at nasusustineng probinsiya.

Samantala, “In this time of pandemic, we appreciated more our agriculture and the resources we have, the people will not get hungry as long as they till the lands and plant,” sinabi ni Atty. Maryjean Angeles Feliciano, mayor ng bayan ng Brooke’s Point sa Palawan sa episode ng Laging Handa Network Briefing.

Ang kanilang mga produkto ay hindi lamang nakasasaat para sa kanilang mamamayan kundi sa ibang mga bayan din sa labas.

JDS-PIA LU/PMCJr.-ABN