Gobyerno ng La Union magdodonate ng ambulansiya sa PNP

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union – Magdo-donate ang Provincial Government of La Union (PGLU) ng dalawang unit ng ambulansiya sa Philippine National Police (PNP). Ito ang inanunsiyo ni Governor Francisco Emmanuel R. Ortega III nang dumalo siya sa flag raising ceremony ng Police Regional Office 1 (PRO1) noong Enero 11 sa PRO1 grandstand sa lungsod na ito.
Sa mensahe ni Ortega na siya rin ang chairperson ng Regional Peace and Order Council ay binigyan-pansin niya na ang katahimikan, kaayusan at kaligtasan ay mga tagasulong ng pag-unlad ng lokal na ekonomiya.
“Safety, peace, and order are building blocks to our goal on Transformative Governance and in building a Stronger La Union,” pahayag ng gobernador. Bilang patunay ng kaniyang suporta sa PNP ay inihayag niya na dalawang unit ng ambulansiya na idodonate ng PGLU ay ibibigay sa PRO1 at La Union Police Provincial Office.
“This shall strengthen emergency support services of the police force especially during this time of crisis recovery,” aniya. Idinagdag niya na, “We have utmost confidence to embark on this challenging journey on crisis recovery because we are a peaceful, safe, and orderly community— thanks to the efforts of all peace-keeping units stationed in our province and the region.”
Samantala ay pinasalamatan ni Ortega ang mga kalalakihan at kabbaihan ng PRO1 sa pangunguna ni PBGen. Rodolfo Azurin dahil sa kanilang pangako na panatilihin at pagsusulong ng katahinikan at kaayusan sa probinsiya.
Sa kaniyang bahagi ay sinabi ni Azurin na ipagpapatuloy ng PRO1 ang malapit na pakikipagtrabaho sa PGLU at palalakasin ang pagtutulungan sa lokal na gobyerno sa paglutas ng iba’t-ibang social issues gaya ng mga iligal na droga, kriminalidad, at terorismo.
JPD-PIA LU/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon