BANGUED, Abra
Layong isailalim sa “ congressional investigation” ni Abra Congresswoman Menchie Bernos kung paano nabigyan ng permit ang subsidiary ng isang ‘London-based mining company’ upang makapagsagawa ng mineral exploration sa bayan ng Sallapadan, Abra nang walang konsultasyon sa mga apektadong katutubo sa mga komunidad. Ayon kay Cong. Bernos, lumalaki ang pangamba ng mga katutubo sa bayan ng Sallapadan dahil nakataya rito ang kinabukasan ng kanilang mga lupain makaraan bigyan otoridad ng Department Environment and Natural Resources-Mines and
Geosciences Bureau ng Authority to Verify Minerals (ATVM) ang Yamang Mineral Corporation (YMC).
Petsang October 31, 2024, ang YMC, ang subsidiary ng London-based FCF Minerals Corp. ang naghayag na natanggap na nito ang pinal na pag-apruba para sa kanilang exploration drilling activities sa Manicbel na makakaapekto sa mga lupain ng mga Tingguians ng Sallapadan at maging sa mga bayan ng Licuan-Baay at Lacub.
Binigyan diin ni Bernos na kinakailangang masuri ito dahil isa itong napakaseryosong bagay sanhi ng malawak na
epekto nito sa mga lupain ng mga IPs at maging sa kalikasan at ecological balance ng Abra, makaraan makakuha ng
detalyadong impormasyon mula kay Sallapadan Mayor Fernando Alafriz Semanero na lumapit sa MGB, DENR Abra at sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) na kumukuwestyun kung bakit hindi nakunsulta ang mga IPs o mga Indigenous Cultural Community (ICC), na kinabilangan niya bago aprubahan ang permit.
Hango sa liham ni Mayor Semanero sa NCIP at MGB noong Nobyembre 4, isinaad na “Following the grant of ATVM to YMC, there is a significant number of members from the indigenous people (IP) or indigenous cultural
community (ICC) not only from the affected areas of Sal-lapadan, but also from the rest of the barangays in the Municipality who are now airing their concerns and disapproval of mining in of Sallapadan,”. Iginiit ni Semanero na bilang pinakamataas na pinuno sa Sallapadan at bilang isang IP, katungkulan nitong isiwalat ang sentimiyento ng
kanyang mga kababayan at dalhin ito sa atensyun ng mga kaukulang ahensya.
Ipinaliwanag ng alkalde na ang mga IPs at ICC ng Sallapadan ay layong suspendihin ang ATVM na ipinasakamay sa YMC dahil hindi nasunod at labag ito sa NCIP Administrative Order No. 3 series of 2012 or The Revised Guidelines on the Exercise of FPIC at iba pang mga may kaugnayang proseso. Maliban dito, inireklamo rin ni Mayor Semanero na bago pa man din ipalabas ng MGB ang ATVM sa YMC, naobserbahan ng mga katutubo na nagsasagawa na ng ilang aktibidad ang YMC nang wala silang pahintulot. Dahil dito, kinukuwestyun ng mga katutubong komunidad ang intensyun at metodolohiya ng YMC dahilan sa kinakailangang na makunsulta sila upang maiwasan ang hindi
pagkakaunawaan at sigalot sa kanilang pagitan.
Ang FCF ay mayroon ring metals exploration operation sa Runruno, Quezon, Nueva Vizcaya. Ang Manicbel project, maliban sa Sallapadan, ay sumasaklaw rin sa mga bayan ng Licuan-Baay at Lacub na may tenement area at lawak na tinatayang 20 kilometro at kabuuang area na 16,200 ektarya. Napaulat din na nakumpleto na ang pre-exploration activities ng YMC, kabilang ang geochemical soil analysis, mapping at airborne geophysics sa Manicbel maliban pa sa nakatakdang drilling na sisimulan sa susunod na tatlong linggo matapos na makumpleto ang drill pads at iba pang pre-drilling activities. Iniulat ng YMC na nakahanda na rin ang ikalawang diamond drill rig at handang ma-mobilize subject to confirmation ng mineralization at desisyung palawigin pa ang drill program.
Ayon sa FCF, bago magtapos ang taong 2024, plano nilang isagawa ang apat n inisyal na drill holes sa hangaring mahigitan pa ang target nito sa pagtukoy sa mineralization upang makakolekta ng “initial resource estimate” sa third quarter ng 2025. Sa kabila nito, binigyan-diin naman ni League of Mayors in the Philippines (LMP) National President at La Paz, Abra Mayor JB Bernos, na nababahala siya sa issuance ng YMC exploration permit sa harap ng mga negatibong sentimyento mula sa mga katutubo sa probinsya niya, kung saan kinakailangan ang isang seryoso at makabuluhang imbestigasyon dahil ang prayoridad dapat ng pamahalaan ay ang karapatan ng mga IPs sa kanilang katutubong lupain.
Artemio A. Dumlao/ABN
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024