“Killer Maid” nadakip matapos ang tatlong taon pagtatago

Feb 10, 2019

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, LA UNION – Naaresto ng mga  operatiba sa Alaminos City, Pangasinan ang itinuturong suspek na “killer maid” sa brutal na pagpaslangsa alagang 15 anyos na dalagita.
Kinumpirma ni Police Superintendent Mary Crystal Peralta, chief information officer ng Police Regional Office 1 (PRO1), ang pagkakadakip kay Marites Judan, pangunahing suspek sa pagpaslang sa dalagitang si Allery Wagayen noong Mayo 2016.
Ang suspek ay kasambahay ng mga magulang ng biktima sa Pinsao Barangay, Baguio City. Ayon kay Peralta, si Judan ay naaresto ng mga pulis sa Dampay Street, Alaminos City sa bisa ng isang warrant of arrest noong Pebrero 6,2019.
Napag-alaman din na ang suspek ay may tatlong nakabinbin na warrants of arrest sa Lungsod ng Baguio para sa robbery homicide ni Wagayan, at kaso ng adultery at theft sa Balaon at San Fernando, La Union.
Hinihimok ngayon ni Peralta kung may iba pang biktima ang naturang suspek upang lumantad at makipag-ugnayan sa mga pulis. Aniya, mas maraming kaso ng suspek sa Sta. Cruz, Ilocos Sur at Bangar, La union ang inaasahang lilitaw para sa kasong qualified theft.
Sinabi ni Peralta na maraming alyas ang ginagamit ni Judan at naperpekto na nito ang modus ng pagpapanggap bilang kasambahay at kalaunan ay nanakawan at sasaktan ang walang muwang na pamilya.
Sa Baguio City, si Judan ang primary suspect sa pagpaslang ng 15 anyos na babae sa loob ng kanilang tahanan sa Pinsao Barangay.
Ang naturang pagpaslang ay umani ng pagkapoot sa lungsod at pagbuhos ng suporta sa pamilya ng biktima. Ang walang buhay na katawan ng dalagitang biktima ay nakitang may 13 na saksak at lumalangoy sa sariling dugo sa loob ng kanilang banyo.
Sina Roger at Arnold, ang mga kaanak na nakakita sa katawan ni Allery, ay sinabing dumating sila sa bahay mula sa paghahatid ng tubig sa kanilang customer nang masalubong si Judan sa parking area. Sa pahayag ng dalawa, si Judan ay may bitbit na blue bag at nagmamadaling sinabihan sila na ihatid siya sa market para makuha ang sahod mula sa nanay ng biktima.
Ang dalawang lalaki ay pumayag na sumakay ang suspek sa kanilang L300 van patungo sa market ngunit nang malapit na sila sa Naguilian Road ay biglang humiling na ibaba ito at pupunta na lamang umano sa market nang mag-isa, na pinayagan naman ng dalawa. Umuwi sina Roger at Arnold at nadiskubre ang walang buhay na katawan ni Allery.
Sinabi ni Peralta na kabilang sa mga alyas ni Judan ay Marites Rilloraza, Florence Macalay, Marites de Guzman, Brenda Mendoza at Brenda Ducusin.

RELATED POSTS

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest