GOV. RAFY NAMAHAGI NG LARUAN SA MGA BATA: LARONG PINOY IBINIDA SA PSK2022

LUNGSOD SAN FERNANDO, La Union

Malulutong na hagikgik at tawanan ng mga bata ang bumalot sa paligid ng kapitolyo noong December 23, 2022 nang ganapin ang Pasko sa Kapitolyo Christmas Presentation na may temang Fiestang Pinoy hatid ng Resilient Communities Sector ng Provincial Government of La Union (PGLU). Kinagiliwan ng lahat ang performance ng PGLU Child Development Choir na napakacute sa kanilang christmas elf costume.

Game na game ding nakilahok ang mga Kaprobinsiaan sa mga palarong pinoy na inihanda sa gabing iyon. Inabangan din ng mga manonood ang Magic Show at mga nakakatawang presentasyon ng mga clown. Naging mas makabuluhan ang nasabing programa nang dumating si Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David na nagbigay ng maikling mensahe sa mga Kaprobinsiaang manonood.

Kasunod nito ang pamamahagi ng mga laruan na hatid ng Toy Kingdom sa mga batang naki saya sa gabing iyon. Nagtapos ang masayang programa sa isang makulay na Fireworks Display at Snow
Show. Sa ngalan ng #LaUnionPROBINSYAnihan, layunin ng PGLU, sa pangunguna ni Gov. Rafy, na isulong at ipreserba ang mga larong pinoy at iba pang tradisyon na kinalakihan ng karamihan, ganun din ang ipadama sa mga bata sa La Union ang saya na dulot ng kapaskuhan na magbibigay
sakanila ng mga magagandang alaalang kanilang babaunin hanggang sa kanilang paglaki.

PGLU-PIO

Amianan Balita Ngayon