Grade 1 pupil, nabundol sa Apayao

Nabundol ang isang Grade 1 pupil bandang 6:15pm ng November 8, 2017 sa kahabaan ng National Highway at Brgy. Quirino, Luna, Apayao.
Ang biktima ay kinilalang si Marilou Arellano Ragsac, 7 anyos, grade 1 pupil ng Quirino Elementary School, at residente sa nasabing barangay.
Sa imbestigasyon, tinatahak ng isang puting Nissan PUV na may with temporary plate No. 023610, rekarehistro sa pangalan ni Trofimo Rana ng National Highway Calog Sur, Abulug, Cagayan at minamaheo naman ni Fedelito Meterum Arimas, 42 anyos, married, at residente ng Junction Libertad, Abulug, Cagayan, ang kalsada ng national highway patungong Junction Libertad, nang biglang tumawid diumano ang biktima kung kaya’t nabundol niya ito.
Ang biktima ay nagtamo ng galos sa iba’t ibang bahagi ng katawan at dinala sa Far North Luzon General Hospital and Training Center sa Quirino, Luna, Apayao ng nasabing driver. Ang sasakyan ay nagkaroon ng sira sa harap na bumper sa hindi pa malamang halaga ng pinsala at dinala rin sa Luna MPS para sa safekeeping. Ang driver naman ay boluntaryong sumuko sa Luna MPS.

Amianan Balita Ngayon