Grade 8 pupil, nabaril ng Grade 5 sa Benguet

Feb 24, 2018

LA TRINIDAD, BENGUET – Aksidenteng nabaril ng isang grade five pupil ang isang grade 8 pupil sa Linang, Bedbed, Mankayan, Benguet noong umaga ng Pebrero 21 (Miyerkules).
Ang nakatatandang lalaki, 14 anyos, ay mahigpit na sinusubaybayan sa Luiz Hora Hospital sa Bauko, Mt. Province dahil sa tinamo nitong gunshot wound sa kaliwang pisngi sa ilalim ng mata nito.
Ayon sa mga pulis na nagsiyasat, ang biktima ay nagising sa dalawang putok ng baril na umalingawngaw dakong 10:30am, at pagkatapos ay narinig niya ang batang lalaki na isinisigaw ang pangalan niya at sinasabihang lumabas sa bahay at tignan ang hawak nitong baril.
Lumabas ang biktima sa bahay at dumiretso sa banyo kung saan ito sinundan ng batang suspek at pagkatapos umihi ng biktima ay ipinakita ng 11 anyos na suspek ang hawak nitong baril na itinutok nito sa biktima.
Sinabi diumano ng 14 anyos na huwag itutok sa kanya ang baril at nang tangka sana nitong hawakan ang baril ay pumutok ito.
Nang naramdaman ng biktima ang dugo na dumaloy sa kanyang ilong at bibig ay tumakbo ito papunta sa isang nagngangalang Demeterio Diastan upang magpasaklolo.
Agad dinala ang biktima sa Mankayan Infirmary Clinic at kalaunan ay inilipat sa ospital sa Bauko.
Ang 11 anyos na suspek ay isinangguni kay Mankayan social welfare assistant Joan Gangaey, habang ang caliber 38 revolver na may tatlong bala at tatlong empty shells ay kinumpiska ng Mankayan police. AALEGRE / ABN

RELATED POSTS

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd...

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the...

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest