GRAND OPENING PARADE NG PANAGBENGA FESTIVAL NAGING MAPAYAPA SA TULONG NG KAPULISAN

BAGUIO CITY

Naging mapayapa at makabuluhan ang pagdaraos sa grand opening ng Panagbenga Festival sa tulong ng mga kapulisan na mismong nagbantay at nagsilbing crowd control sa naganap na parada
noong Pebrero 1 sa Summer Capital. Iniulat ni City Director Col.Francisco Bulwayan,Jr.,ng Baguio City Police Office,kay Brig. Gen. Mafelino Bazar, regional director ng Police Regional Office-
Cordillera, na naging mapayapa at walang naiulat na karahasan o anumang aberya sa naganap na grand opening parade ng Panagbenga Festival 2023.

Ayon kay Bulwayan, may kabuuang 1,797 pulis kabilang ang force multipliers, student interns, at volunteers ang ipinakalat upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng publiko. Ang mga pulis ay
ipinakalat upang matiyak ang mga ruta ng parada para sa kaligtasan ng mga kalahok at manonood ng parada. Gayundin, estratehikong inilagay ang mga reaksyunaryong pwersa, monitoring team, at medical team sa iba’t ibang lugar ng convergence at transport terminals.

Sa pinaigting na mga hakbang sa seguridad, walang naiulat na malalaking insidente na nakaapekto sa pagbubukas ng Panagbenga Festival 2023. Tiniyak naman ni Bazar sa publiko na patuloy na
deployment ng mga kapulisan sa mga aktibidad ng Panagbenga,lalong-lalo na sa highligts nito na sigradong dadagsain ngmga turista, ang grand streetdancing at flower float parade sa Pebrero 25 at
26.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon