GREYHOUND OPERATION, ISINAGAWA SA CITY JAIL MALE DORM

BAGUIO CITY

Sa layuning mapanatiling “drug free” ang Baguio City Jail Male Dorm, ay pautloy na isinagawa ang greyhound operation upang mapanatili ang kaligtasan at masigurado ang kaayusan ng pasilidad,
sinimulan noong Marso 1. Ayon kay Jail Warden Supt.April Rose Ayangwa, ang greyhound operation ay sopresang isinasagawa sa city jail, upang masiguro na walang nakakalusot na droga o
gumagamit nito na drug-free.

Aniya, hindi lamang nakatuon ang operasyong ito sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL), kundi maging sa mga BJMP personnel na nasa pasilidad, dahil lahat ay kinakailangang dumaan sa drug
testing. Habang sinusulat ang balitang ito, ay may mahigitsa 387 PDLs ang nasa loob ng ng city jail at nasa 60% o 250 PDLs ang humaharap sa kasong illegal drugs.

Ayon kay Ayangwa, matagumpay ang kanilang operasyon dahil walang nakumpiskang illegal drugs o kontrobando sa loob ng pasilidad. Ibinahagi ni Ayangwa na katuwang nila sa pagtutuguyod ng greyhound operation ang Philippine National Police (PNP) at ang Philippine Drug Enforcement
Agency (PDEA), upang mabigyan muli ng drug free facility certificate ang pasilidad. Layunin ng BJMP ang pagpapanatili ng kaligtasan sa loob ng kulungan lalo na para sa mga PDLs.

John Julius Avila-UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon