Gumahasa sa menor de edad, huli sa Kalinga

TABUKCITY,Kalinga – Walang kawala ang pangunahing suspek sa panggagahasa sa menor de edad at kabilang sa Top Most Wanted Person nang datnan siya ngmga pulisya sa kanyang bahay sa Tabuk,City,Kalinga. Nabatid kay Police Lt.Col. Radino Belly, chief of police ng Tabuk City Police Station (TCPS), ang suspek ay kinilalang si Christian Licudo Daggit, 21, ng Barangay Dilag, Tabuk City.
Ayon kay Belly, hindi nakapalag si Daggit nang dakpin matapos ipakita sa kanya ang warrant of arrest sa kasong Rape by sexual assault in relation toRepublicAct 7610 na inisyu ni Judge Jerson Angog, ngBranch 25, Regional TrialCourt,2nd JudicialRegion, Tabuk City, Kalinga.
Si Daggit ay kabilang sa No.8 in Top 10 Most Wanted Person sa lalawigan ng Kalinga sa 4th quarter ng 2020.
Ayon pa kay Belly, si Daggit ang itinuturong suspek sa pang-aabuso sa 11 taong gulang na batang babae noong Hulyo 7,2020 sa Tabuk City.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon